HINDI akalain ng isang puganteng may kasong rape, sa limang taong pagtatago sa batas ay matutunton at maaaresto sa manhunt operation ng mga kagawad ng San Manuel MPS, Tarlac PPO, Rosario MPS, RIU4A PIT Batangas, 40th AMC RMFB4, RID4A PIU Batangas, nitong Martes, 15 Hunyo, sa kanyang pinagtataguang lugar sa Brgy. San Vicente, sa bayan ng San Manuel, lalawigan ng Tarlac.
Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, ayon sa report ni P/Col. Renante Cabico, provincial director ng Tarlac PPO, ang suspek na si Abundio Ilag, top 3 sa listahan ng mga most wanted ng Calabarzon, residente sa Brgy. Matamis, bayan ng Rosario, sa lalawigan ng Batangas.
Nadakip ang suspek base sa alias warrant na nilagdaan ni Presiding Judge Rose Marie Manalang Austria, ng Rosario RTC Branch 87, may petsang 12 Nobyembre 2015 sa kasong Rape at walang piyansang inirekomenda sa pansamantalang paglaya ng suspek.
“Anchored on the Intensified Cleanliness Program (ICP) of the Chief PNP, P/Gen. Guillermo Eleazar relative in cleansing our community, all police units are working together to account and arrest all persons sought by law to offer a safer and peaceful streets for the general public,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …