DINAKMA ng mga awtoridad ang isang puganteng Chinese national, suspek sa pagpatay ng sariling kababayan sa isinagawang manhunt operation nitong Martes, 15 Hunyo, sa loob ng Clark Freeport Zone, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.
Kinilala ni PRo3 Director PBGen Valeriano De Leon ang suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Rommel Batangan, na si Zhihui Yan, kasalukuyang naninirahan sa Park View Villages, Clark Freeport Zone, Mabalacat, ng nasabing lalawigan.
Ayon kay P/Col. Batangan, nang makompirma ang kinaroroonan ng suspek ay agad isinilbi ng mga kagawad ng Regional Intelligence Unit 3 (RIU3) at CIU, CMFC, PS2 Angeles City Police ang alias warrant sa kasong Homicide na nilagdaan ni Presiding Judge Erick Sadural, ng Angeles City RTC Branch 116, may P240,000 piyansa sa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sa impormasyon ng mga awtoridad, lumipat ng tirahan ang suspek mula sa dating tirahan sa Sunset Valley Mansion, Brgy. Cutcut, ng nasabing lungsod, matapos siyang iturong pangunahing suspek sa pagbaril at pagpatay sa kapwa Chinese national na si Jin Hua Wo noong 13 Abril 2020 ng nasabi rin lugar. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …