FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
PANGUNGUNAHAN ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong animation festival sa buong mundo, ang Annecy International Animation Film Festival sa France mula Hunyo 14 hanggang 19, kasama rito ang kauna-unahang competing film mula sa Pilipinas, apat na projects, at higit sa 50 na animation workers mula sa 29 na animation studios.
Ang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story ni Avid Liongoren ay napili bilang kauna-unahang pelikulang Filipino na kasama sa kompetisyon sa Annecy. Ang unang Filipino Netflix animated film ay project ng First Cut Lab 2019 na isinagawa ng FDCP at Tatino Films. Ang pelikula ay tungkol sa pusang si Nimfa na naghahanap ng tunay na pag-ibig at kaligayahan at dapat pumili sa dalawang aso sa kanyang buhay.
Sa Marché international du film d’animation d’Annecy (MIFA) o Annecy International Animation Film Market, tatlong Philippine projects, kasama ang projects mula sa Malaysia at Thailand, ay kasama sa ASEAN Pitch sa Hunyo 15. Ang mga ito ay Ella Arcangel ni Mervin Malonzo, Kampilan ni Cris Dumlao, at Hayop Ka! Universe ni Manny Angeles.
Magkakaroon ng access ang delegates sa MIFA database, virtual stands at pavilions, online meeting platforms, Matchmaking, Work in Progress, Masterclasses, Pitches, Partners Screenings, at Mifa Campus. Idinaraos ang Annecy International Animation Film Festival mula Hunyo 14 hanggang 19, habang ang MIFA ay mula Hunyo 15 hanggang 18.