Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuwento nina Deib at Maxpein nasa Kapamilya Channel na

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

INAABANGAN talaga ng kabataan ang kuwento nina Deib (Donny Pangilinan) at Maxpein (Belle Mariano) ng Wattpad series na He’s Into Her handog ng ABS-CBN Entertainment, Star Cinema, at iWantTFC na napapanood sa Kapamilya Channel at A2Z, 7:45 P.M. tuwing Linggo.

Base sa tumatakbong kuwento ng dalawang bida, tutol sila sa desisyon ng principal nila sa school na suspension ang haharapin kapag hindi nila sinunod ito kaya kailangan nilang mag-isip at gumawa ng isang anti-bullying campaign.

Bago ito nangyari, magkakaayos na sana ang dalawa dahil nakonsiyensya si Deib sa prank ng mga kaibigan kay Maxpein at handa na nitong bayaran ang P10,000 na kinaltas sa sahod ng pinapasukang restaurant sa dalaga. Pero nainsulto si Deib sa mga binitawang salita ni Maxpein na kahit kamo ina nito ay hindi siya mamahalin sa sama ng kanyang ugali.

Panoorin ang susunod na episode ng He’s Into Her sa iWantTFC sa Biyernes, at sa Kapamilya Channel, A2Z, TFC, at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment sa Linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …