Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jane at RK ayaw patalbog kina Rico at Maris

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ANG couple na sina Jane Oneiza at RK Bagatsing naman ang nag-post sa kanilang Instagram account na sabay silang nagpa-COVID-19 vaccine nitong Martes sa Taguig City.

Ipinost ni Jane ang larawan nila ni RK na naka-post sa backdraft na may nakalagay na #RoadToZero, City of Taguig habang hawak nila ang vaccine card na may nakalagay, ”I got vaccinated.”

Caption ni Jane, ”First dose done today!! When you do get the chance, please register. Tara na at magpabakuna! Keep safe everyone!! #ingatangatbakunalahat.

Samantala, pinost naman ni RK ang larawan nila ni Jane at larawan niyang ipinakitang bakunado na siya.

Aniya, ”Got my first dose of the Covid-19 vaccine today and excited na ko para sa second dose. Ikaw kamusta, tapos na?  Pag meron na pagkakataon, please register and #b””””””jt””””. The quicker we get everyone vaccinated, the quicker we can all get back to normal. #IngatAngatBakunaLahat.”

Pinuri naman ng kani-kanilang followers sina RK at Jane at biniro sila ni @eamahdela, ”ayyy by partners pala yung vaccine?”

Kasi nga naman naunang nag-post sina Maris Racal at Rico Blanco na parehong nagpabakuna ng Covid 19 nitong Linggo at ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes noong Sabado.

Kaya ang hirit ni @yancapili, ”Ano ba yan! Binubuhay niyo ang katawang lupa ko! Sana makapagpa vaccine na rin ako baka sakaling magka love life na.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …