Thursday , December 19 2024

Concert ni Nadine tuloy, 40% komisyon kukunin ng Viva

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

PARANG ang bilis ng developments sa legal conflicts nina Nadine Lustre at ng Viva Artists Agency (VAA), na last year ay bigla na lang n’yang initsapuwera bilang  manager n’ya.

Ang unang balita ay nagpasya umano ang Quezon City Regional Trial Court na ipatupad kay Nadine ang kontrata n’ya sa (VAA). Sa kampo ng VAA nagmula ang balitang ‘yon.

Dahil may nakatakdang online concert si Nadine sa July 3, ang unang reaksiyon ng Kapunan Law Office (KLO), na nagtatanggol sa actress-singer, ay tuloy ang show.

Gayunman, nakatakda umanong magkaroon ng 40%  commission ang VAA mula sa kita ng show kahit tanging ang kampo lang ni Nadine ang nagtrabaho para sa pagtatanghal, pagdidiin ng KLO.

Ang pagbabalitang ‘yon ng KLO ay sinundan agad ng pagbubunyag nito na sinubukan ng VAA na humiling ng ”Writ of Attachment and Garnishment” sa properties at bank accounts ng aktres dahil sa umano’y paglabag sa exclusive management contract nito.

Ang Writ of Preliminary Attachment and Garnishment ay isang court order na pinapayagang kumpiskahin ang property ng respondent upang maging kabayaran sa damage ng nagdedemanda.

“[The] Court denied Viva’s claims for attachment and garnishment of Nadine’s hard-earned earnings and her Bank accounts—this is a Victory for Nadine,” pagbubunyag ng abogada noong Lunes sa pamamagitan ng  official statement na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). 

Kinilala naman ng legal counsel ni Nadine na kailangang i-honor ng aktres ang contractual obligations n’ya sa VAA sa ngayon.

Pero hindi pa raw tapos ang isyu tungkol sa pagnanais ni Nadine na kumalas sa VAA dahil sasailalim pa sila sa arbitration proceedings.

Paliwanag ni Atty. Kapunan: ”The Court, however, granted Viva a Status Quo order in consideration of rights of Third parties prior to Nadine’s termination of its Contract with Viva.

“But the issue of whether there still is a valid Contract between Viva and Nadine was not decided by the Court which said that this issue is subject to arbitration proceedings and not the court.”

Dagdag pang paliwanag ng abogada: ”Nadine has fulfilled and continues to respect the prior contracts with Third parties even after she terminated the Agreement with Viva for various material breach committed by Viva.”

Ayon pa sa ulat ng PEP, inilalaban ng kampo ni Nadine na “oppressive” at panay pabor sa VAA ang terms sa management contract.

Bukod sa “unconscionable commission fees” ng VAA, may mga insidente umanong hindi nito naproteksiyonan ang interes ng aktres.

Sinasabi rin ng manananggol na na-trap si Nadine sa “eternal bondage” sa VAA dahil wala  itong sapat na kaalaman sa legalities nang pumirma  ng kontrata.

Nakakuha ang PEP.ph ng kopya ng resolusyon ng Quezon City Regional Trial Court sa petisyon ng VAA laban kay Nadine. Pirmado ni Judge Jose Paneda noong June 11, 2021 ang resolusyon.

Si Nadine ay naging exclusive Viva artist mula noong July 2009. Ini-renew ang kontrata noong 2015 at hanggang 2029 pa ito epektibo, ayon sa VAA.

Samantala, heto ang pahayag ni Atty. Kapunan tungkol sa posibleng pagkita ng VAA ng 40% commission sa concert na Absolute Madness ni Nadine: ”Concert not affected by decision. Viva will just claim 40 percent commission, even if it is Nadine who arranged everything.

“We are filing partial Motion for Reconsideration on the status quo order of Court.”

Ang concert ay production ng Careless Music ni James Reid, na magiging bahagi rin ng pagtatanghal.

Ang ticket prices sa concert ay P499 (General Admission), P999 (General Admission + Shirt), P1499 (VIP), P1999 (VIP + Shirt), at (P2999).

Ratsada si Nadine sa online promo, kaya nakahihibang kung mauudlot ang concert.

Pahayag ni Noel Ferrer, ang talent manager na bahagi ng PEP Troika:

“I am actually excited sa susunod na moves nina Nadine at James.

“Now that they are free to take on projects, I want to see kung ano ang idea nila ng independence at pagle-level up.

“Sana, mapangatawanan nila ito.”

Samantala, hinihintay ng lahat ang reaction ng VAA sa pahayag ni Atty. Kapunan na pwedeng humingi ang VAA ng 40% commission sa kikitain ng Absolute Madness.

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *