Saturday , November 16 2024

Bumaboy sa DepEd module dapat panagutin – Solon

DAPAT managot ang (mga) may kagagawan o nasa likod, ayon kay Probinsyano Ako Rep. Jose Singson, Jr., chairman ng House committee on public accounts, ng mga module na naglalaman ng salitang bulgar at mali ang depinisyon sa pagkakasulat na ipinamigay sa Mabacalat, Pampanga.
 
“The Mabalacat learning module that contained vulgarity is very alarming. While DepEd officials boasted that they corrected the error, it pains us to learn that the culprit has not been punished,” ani Singson.
 
Pinuntirya ni Singson sa naturang module ang kahulugan ng Aswang ay “siya rin ay isang diyos pero pinaniniwalaang ito’y tao na kumakain ng kapwa tao, kung minsan ang mga ito ay pinaniniwalaang may mga pakpak at sila raw ay gising kung gabi para maghanap ng maka___tot or maaaswang.”
 
Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali naaksiyonan na ang problema noon pang Pebrero 2021 pero hindi pa nahahanap at napaparusahan ang gumawa nito.
 
Naniniwala si Singson, “intentional, glaringly malicious and utterly despicable” ang nasbaing pagkakamali.
 
“Like the numerous errors found by COA in DepEd learning materials, it will be difficult for our students to unlearn what their teachers asked them to digest,” dagdag ni Singson.
 
“Unlike our students who are minors and are gullible to assimilate what is taught them in school, I believe it is now time to teach those who committed mistakes, whether intentional or not, a lesson,” paliwanag ni Singson.
 
Matapos ang pagdinig, pinag-aaralan ng komite ang pagpapataw ng parusa sa mga nasa likod ng malalaking pagkakamali sa mga module.
 
Bukod sa nagsulat, isasama umano sa parurusahan ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na siyang naatasan magbantay sa pag-iimprenta ng mga module bago ito ipamigay sa mga estudyante. (GERRY BALDO)
 

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *