Friday , November 15 2024

3 notoryus na tulak nalambat sa drug bust sa Pampanga

HUMAHAGULGOL habang nagmamakaawa na babaan ang isasampang kaso sa kanila ng nakatransaksiyong mga awtoridad matapos maaresto at ipresinta ang nakompiskang 15 gramo ng hinihinalang shabu sa
on-site inventory, resulta ng anti-narcotics operation ng San Fernando City Police SDEU nitong Martes, 15 Hunyo, sa bisinidad ng Sogo Hotel, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.
 
Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang mga suspek, batay sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, na sina Khalib Mustapha, ng Brgy. San Pedro Cutud; Lord Almonte ng Brgy. Del Carmen, parehong sa nabanggit na lungsod; at Federico Pangilinan, ng Brgy. Bagong Bayan, lungsod ng Angeles.
 
Nakuha ng mga operatiba mula sa pag-iingat ng mga suspek ang apat na paketeng naglalaman ng 15 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P102,000, at marked money na ipinain sa mga suspek.
 
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa Mexico PNP custodial facility. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *