Sunday , December 22 2024
Balaraw ni Ba Ipe
Balaraw ni Ba Ipe

Kaso sa ICC

BALARAW
ni Ba Ipe
 
NADAGDAGAN ang mga isyu kontra Rodrigo Duterte habang papainit na ang mga paghahanda sa halalang pampanguluhan sa 2022. Mga isyu: una, kakulangan ng pagharap at pagsugpo sa pandemya; pangangamkam ng China sa ating teritoryo at karagatan; matinding korupsiyon na aabot sa P1 trilyon kada taon ang nawawala sa kaban ng bayan; at ngayon, ang pormal na imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga sa ilalim ng gobyernong Duterte.
 
Inihain ng nagretirong Fatou Bensouda, hepe ng Office of the Prosecutor ng ICC, ang masusing pagsisiyasat sa madugong digmaan kontra droga na aabot sa 16,000 hanggang 30,000 sibilyan ang pinaniniwalaang namatay. Nahaharap si Duterte sa sakdal na crimes against humanity na naunang nai-file noong 2018.
 
May basehan ang paniniwala na gobyerno ni Duterte ang nagplano at nagsagawa ng mga maramihang patayan sa ilalim ng gera kontra droga. Sa ilalim ng mga pagsisisyasat, hihingin ng ICC ang mga dokumentong may kaugnayan sa mga patayan. Maaaring maglabas ang ICC ng mga arrest at summons order laban sa mga nasasakdal. Maaaring makulong si Duterte at mga alagad kaugnay sa walang humpay na patayan sa ilalim ng war on drugs.
 
Naunang nilibak ang sakdal na crimes against humanity na iniharap ni Sonny Trillanes at Gary Alejano ng grupong Magdalo sa ICC. Hindi binigyan ng tsansa na lumipad dahil kalakasan sa poder ni Duterte. Hindi siya matinag sa poder. Habang isinusulat ang kolum na ito, hindi alam kung ano ang reaksiyon ni Duterte. Hindi sumasagot ang Malacañang.
 
Isa si Trillanes sa mga pangunahing kandidato ng oposisyon sa 2022. Nauna niyang ipinahayag na tatakbo siya sa panguluhan sa 2022 kung hindi tatakbo si Bise Presidente Leni Robredo. Dahil sa resulta sa ICC, inaasahan na uunlad ang tsansa ni Trillanes.
 
Mahihirapan gumitna ang sinuman kay Bong Go at Sara Duterte na kandidato umano ng Grupong Davao. Apektado sina Manny Pacquiao at Dick Gordon nangunang nagpahayag ng suporta sa mga EJKs ni Duterte. Araw ni Trillanes ang isyu. Wala pa ang kampanya, pawang mga sugatan na sila sa laban.
 
Naunang ipinahiwatig ni Duterte na hindi welcome ang mga imbestigador ng ICC sa bansa. Nagbanta si Duterte na hindi niya papapasukin ang mga kinatawan ng ICC. Hindi natin alam kung magagawa niyang pagbawalan ang taga-ICC.
 
Ngunit hindi ito nangangahulugan na lusot na siya sa ICC. Sagabal sa hustiya ang hindi pagpapasok sa mga imbestigador ng ICC. Lalabas na masamang tao si Duterte sa buong mundo at hindi malayong tumulong ang ibang bansa para matuloy ang pagsisiyasat.
May paniwala ang ilang nagmamasid na magigimbal nang husto ang daigdig ng politika sa bansa. May mga daga na tatalon mula sa lumulubog na barko. Alam nila na maysakit si Duterte at hindi ito makakalaban. Maghahanap ng kanilang masisilungan.
 
Nauna na si Manny Pacquiao, ngunit hindi pa tayo sigurado kung seseryosohin siya ng publiko. Marami pa ang puwedeng mangyari sa bigat ng pandemya, pagpasok ng China sa West Philippine Sea, paglawak ng korupsiyon, pagbagsak ng ekonomiya, at higit sa lahat ang paghabol kay Duterte dahil sa EJKs.

About Ba Ipe

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *