BINAWIAN ng buhay ang isang suspek nang maka-enkuwentro ang mga nakatransaksiyong operatiba ng Cabanatuan City Police SDEU makaraang pumalag sa inilatag na drug bust na nauwi sa running gun battle nitong Linggo, 13 Hunyo, sa Brgy. Dalampang, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.
Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, base sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, acting Provincial Director ng Nueva Ecija PPO, na si Jayson Ando, kabilang sa high value individual (HVI), residente sa Brgy. Mabini Homesite, sa nabanggit na lungsod, na agad namatay sa pinangyarihan ng insidente.
Nakuha ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang kalibre .45 baril, mga basyo ng bala, isang kaha ng sigarilyo na naglalaman ng apat pakete at 20 pirasogn sachet ng hinihinalang shabu, nakabalot sa dalawang face mask na umabot sa kabuuang timbang na 100 gramo, nagkakahalaga ng P680,000, at marked money na ipinain sa suspek.
“PNP PRO3 is continuously conducting proactive operations to invigorate its efforts to wipe out all forms of illegal drugs in order to achieve its quest for a drug-free Central Luzon,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …