Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel may panawagan — Claim your power to appoint equitable officials

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


I
LANG buwan na lang at 2022 na kaya hinihikayat ng aktres at Iba ‘Yan host na si Angel Locsin na magpa-rehistro na para para sa darating na eleksiyon. Sinabi rin ng aktres na karapatan ng bawat Filipino na pumili ng public servant na sa tingin nila ay maayos makapagsisilbi sa bayan.

Ang caption ni Angel sa larawan niyang cover sa Mega Magazine”On this day of independence, it is time we break free from the circumstance of chance and take full charge of changing the course of our fate. With #Halalan2022 on the horizon, we are no longer just standing by the sidelines, because we know much better: our choice matters.

“A better Philippines is what we, as Filipinos, want and deserve. A Philippines that stands for and with our people; a Philippines that does not discriminate or hate. Now is the time that we fight for what we deserve.

“As stakeholders of this great nation, we are committed to forge the path to a stronger democrac, accountable governance, and a renewed Philippines.

“Claim your power to appoint equitable officials by registering to vote before September 30, 2021. Let’s do our part. You may register to vote now.”

Umabot sa 157k likes and counting ang post na ito ng aktres at mahigit sa 1k naman ang komento na karamihan ay heart emojis.

Kasama na ang GMA 7 reporter na si Sandra Aguinaldo, ”My kind of Angel.”

Tanong ni @pretitiklay, ”ma’am bat di kayo tumakbo kung hangad n’yo better Philippines na sa tingin n’yo di nagawa ng President natin! Di kayo ang tumakbo pra alam nyo mga sinasabi n’yo,ang daming magagaling magsuggest!!”

Tulad nga ng madalas sinasabi ni Angel sa kanyang mga panayam noon at ngayon, wala siyang planong pasukin ang politika dahil nakatutulong din naman siya kahit walang posisyon sa gobyerno.

Paliwang ng aktres, ”Public servant naman po kami bilang mga artista, e. I think ‘yung buhay naman namin is very public. Lahat naman ‘to ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung ‘di gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao. Pero, politics? Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko ‘yun!”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …