Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine kay Alden — Abot kamay na kita

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAINTRIGA at na-excite ang netizens sa pasilip ng upcoming GMA series na The World Between Us na pinagbibidahan nina Alden RichardsJasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez.

Nitong June 9 ay inilabas na ang unang teaser ng serye na makikitang naudlot ang kissing scene ng mga karakter nina Alden at Jasmine na sina Louie at Lia. Maririnig din sa teaser ang boses ni Lia na nagsasabing, ”Abot kamay na kita, ganito na tayo kalapit sa isa’t isa. Pero bakit ganoon? Bakit parang napakalaki ng hadlang sa pagtatagpo ng ating mga puso?”

Naiintriga tuloy ang kanilang fans sa kung ano ang magiging takbo ng kuwento ng serye. Hula ng isang netizen, ”Hmm the way Alden delivered his lines, and that retro transition, I think magkaiba sila ng timeline.” 

Maliban sa muling team-up nina Alden at Jasmine, inaabangan na rin ng viewers ang kakaiba at challenging role na gagampanan ni Tom  sa serye. Unang ibinahagi ng aktor ang kanyang new look para sa serye na tila may pagka-bad boy ang dating.

Abangan ang nalalapit na world premiere ng The World Between Us ngayong July sa GMA-7. Mapapanood din ito sa ibang bansa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …