Thursday , November 21 2024

1-M CoVid-19 vaccine inilipad ng Cebu Pacific (Kabuuang 4.5-M doses naihatid mula China)

LIGTAS na naihatid ng Cebu Pacific ang panibagong batch ng isang milyong dose ng CoVid-19 vaccines mula Beijing patungong Maynila, nitong Huwebes, 10 Hunyo, sakay ng Flight 5J 671 na nakarating sa NAIA dakong 7:35 am.

Ito ang ikalimang shipment na inihatid ng Cebu Pacific mula China sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).

“With the arrival of these life-saving vaccines, we will continue our aggressive vaccine program to protect more Filipinos from CoVid-19. We appreciate the support of Cebu Pacific and other Philippine carriers to expedite vaccine distribution throughout the country,” pahayag ni Sec. Carlito Galvez, Jr., chief implementer ng National Task Force Against CoVid-19.

Pagkarating sa NAIA ng mga bakuna, sinuri ito ng mga awtoridad at agad inilipat sa refrigerated container vans deretso sa mga pasilidad.

“We are glad to keep supporting our government in the rollout of its vaccination program. We are keen to continue playing our part in this national endeavor through the safe transport of CoVid-19 vaccines across our network of international and domestic destinations,” ani Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.

Mahigpit ang handling guidelines sa mga ibiniyaheng bakuna kabilang ang paglalagak nito sa temperature-specific refrigerated containers upang mapanatili ang potency at efficacy hanggang makarating sa kanilang kaukulang estasyon.

Nitong Miyerkoles, 9 Hunyo, inihatid din ng Cebu Pacific ang mahigit 30,000 doses ng mga bakuna sa tatlong pangunahing lungsod sa bansa: 13,480 sa Puerto Princesa; 10,720 sa Legazpi; at 6,400 doses sa Cotabato.

Sa kasalukuyan, nakapaghatid na ang Cebu Pacific ng mahigit 4.5 milyong CoVid-19 doses mula China, bukod sa mahigit 1.1 milyong doses na inilipad patungo sa 13 lungsod at bayan: Bacolod, Butuan, Cagayan de Oro, Cotabato, Davao, Iloilo, Legazpi, Masbate, Puerto Princesa, Tacloban, Tuguegarao, Virac, at Zamboanga.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (GMG)

About G. M. Galuno

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *