Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
sanya lopez Pia Wurtzbach
sanya lopez Pia Wurtzbach

Sanya gusto ring maging beauty queen

Rated R
ni Rommel Gonzales

INIHAYAG ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na handa siyang turuan si Sanya “Yaya Melody” Lopez sakaling magdesisyon ang Kapuso star na sumali sa isang pageant.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing marami ang humihikayat kay Sanya na sumali rin sa beauty pageant at isa na rito si Pia.

Dati nang nagprisenta ang beauty queen na ite-train niya si Sanya kung magdesisyon itong sumali sa national pageant.

“Actually gusto ko rin naman i-explore ‘yung part na ‘yon, ‘yung pagiging beauty queen. Kaya lang talaga, sabi ko sa ngayon, maganda ‘yung ibinibigay sa akin ng GMA Network,” ani Sanya.

“Marami akong projects na ginagawa sa ngayon dahil sa GMA, eh talagang ang hirap iwanan. So sabi ko naman, kapag pinalad tayo of course at kung doon talaga tayo papunta, tingnan natin, ‘di ba?” dagdag pa ng dalaga.

Sa First Yaya, tila beauty pageant na ang nangyayaring patalbugan nina Yaya Melody at Lorraine (Maxine Medina), nang magtagisan naman sila ng kani-kanilang evening gown.

Napansin din ng netizens ang pagkakahawig ni Sanya kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Ayon sa Kapuso actress, flattered naman siya sa pagkompara sa kanya sa beauty queen.

Dati na rin silang nagkita ni Rabiya.

“Nagkita kami noon eh kaya kami nagkagulatan, parang ‘Uy!’ Iisa ang reaksiyon namin noon, (nagkagulatan) kami talaga. As in pareho kaming nakatitig lang sa isa’t isa tapos doon pa lang kami nag-’Hi, Hello,’” kuwento ni Sanya.

Ikinatuwa rin ni Sanya ang kabaitang ipinakita sa kanya ni Rabiya.

“‘Hi! Ikaw si Rabiya ‘di ba?’ Sabi niya ‘Yes po Ms. Sanya Lopez,’ gumanoon siya. Sabi ko ‘Hi and congratulations.’ Ang dami ngang nagsasabi sa amin na magkamukha kami kaya parang siya nagulat din noong nagkita kami,” sabi ni Sanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …