Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Dennis Padilla
Julia Barretto Dennis Padilla

Dennis ginagamit si Julia; nagpapa-awa effect pa?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

GINAGAMIT nga ba ni Dennis Padilla ang anak na si Julia Barretto sa tuwing magpapa-interview siya ay nagpapa-awa effect siya na sana mabigyan siya ng oras ng mga anak na maka-bonding sila over lunch or dinner?

Noong Mayo kasi ay nagkaroon ng pag-uusap ang mag-amang Dennis at Julia na in-upload nito sa kanyang vlog na may titulong Questions I’ve Never Asked My Dad.’

At natanong ng komedyante ang anak ukol sa hindi nito pagsagot sa mga text message niya o kaya ‘pag tumatawag siya.

Ang paliwanag ni Julia, ”You question why you feel like nobody’s responding, not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before trying to talk to us. That’s why you couldn’t hear from us. We were already too pained, too scared of you.”

Dagdag pa ng panganay nina Dennis at Marjorie, ”Before, when we would speak over the phone, you wouldn’t always have the best tone and the best choice of words. That scarred me, that traumatized me, that scared me.

“I wish you would also recognize and acknowledge the fact that maybe ‘I have done something to scare my kids off.’”

At humingi naman na ng dispensa ang ama ng aktres at okay na sila, masaya na ang puso nito.

Pero nitong huling panayam ni Dennis kay Ogie Diaz para sa kanyang YouTube channel ay nabanggit na naman nitong sana magkaroon ng oras sa kanya ang mga anak niya at kung kinakailangan niyang magpa-PCR test ay gagawin niya para lang maging safe ang pagkikita nila.

Maraming netizens ang naantig ang damdamin dahil naawa sila sa aktor na nagmamakaawa sa mga anak kaya kaliwa’t kanan ang bash sa mga anak ni Dennis lalo na kay Julia na mas may oras pang makipagkita sa boyfriend nitong si Gerald Anderson kaysa ama.

At dahil kaliwa’t kanan na naman ang bash kay Julia ay tinanggal na nito ang one-on-one nilang mag-ama sa YT channel nito. Hinanap nga namin at hindi namin makita oa baka naka-hide lang?

Nabanggit pa ni Dennis kay Ogie na sana gamitin pa rin ng mga anak niya ang apelyido nitong Baldivia sa mga legal document tutal naman ay nakatago lang iyon at okay lang na Barretto sa showbiz.

Sa tanong ni Ogie kung tinanong ni Dennis kung anong apelyido na ang gamit ni Julia, ”hindi, eh, nahiya ako,” sambit ng aktor.

Anyway, para sa kaalaman ni Dennis, nananatiling Baldivia pa rin ang ipinipirma ni Julia sa kanyang legal documents.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …