ARESTADO ang limang suspek na kabilang sa listahan ng Isumbong Mo Kay Wilkins (IMKW), programa ng PDEA, na pinaniniwalaang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga, sa anti-narcotics operations na ikinasa ng PDEA Bataan, kaantabay ang PPDEU-PIU Bataan at Abucay MPS nitong Sabado, 4 Hunyo, sa Brgy. Wawa, sa bayan Abucay, lalawigan ng Bataan.
Kinilala ni PDEA3 Director Christian Frivaldo ang mga suspek na sina Jomar Tiongson, alyas Tata Oms, 28 anyos; Eduardo Dela Cruz, alyas Junior, 26 anyos; Mark Junnel Tiongson, alyas Mark, 28 anyos, tricycle driver; at Roxanne Yuzon, 36 anyos, pawang mga residente ng nasabing barangay.
Nakompiska sa mga suspek ang walong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na umabot sa 15 gramo at nagkakahalaga ng P129,000, at marked money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nakakulong na suspek. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …