HINDI na pinaporma ang isang alagad ng batas at apat niyang kasamahang truck-ban enforcer nang tutukan at posasan ng mga kagawad ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG-LFU), kasama ang Apalit Municipal Police Station, at 3rd Battalion SAC, makaraang maaktohan sa pangongotong sa ikinasang entrapment operation nitong Sabado, 4 Hunyo, sa kahabaan ng intersection ng Quezon Road, MacArthur Highway at San Simon exit, sa bayan ng Apalit, lalawigan ng Pampanga.
Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang naarestong pulis na si P/Cpl. Leomar Calegan, 37 anyos, nakadestino sa Apalit Police Station, residente sa Maimpis, lungsod ng San Fernando, sa nabanggit na lalawigan, na sinibak na sa puwesto at kasalukuyang nahaharap sa kasong administratibo at kriminal.
Kinilala rin ang apat niyang kasamahang kawani ng Truck Ban Traffic Management Office na sina Marlon De Guzman, 39 anyos; Michael Maniulit, 50 anyos; Noel Manarang, 23 anyos, pawang mga residente ng bayan ng Apalit; at Menard Mendoza, 32 anyos, ng bayan ng Masantol, sa naturang lalawigan.
Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang P804,170 halaga ng perang nakulimbat sa mga kinokotongang cargo truck, isang kalibre 9mm, Glock 17 pistola, dalawang magasin na may 30 bala, PNP ID, iba’t ibang ID, at dalawang tig-P500 marked money na ipinain sa mga suspek.
“The PNP has zero tolerance for any form of misdemeanor more so criminal conduct by any of its personnel and we work swiftly sparing no effort to ensure that such criminals who endanger the public safety and dealt with firmly and severely in accordance with the law. Getting rid of lawless elements in the community as well as weeding out of scalawags and erring cops in the PNP is the standing directives of the Chief PNP P/Gen. Guillermo Eleazar in his Intensified Cleanliness Policy,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …