FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
IPAGDIRIWANG simula ngayong araw, Biyernes, Hunyo 4 ang Pride Month para sa 2nd Pelikulaya: LGBTQIA+ Film Festival (Sama-sama Lahat Rarampa) online na magtatapos sa Hunyo 30 handog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Sa ginanap na virtual mediacon ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra sinabi nitong, ”The Film Development Council of the Philippines is re-launching Pelikulaya this year as an annual LGBTQIA+ film festival organized by the national government as our way to express our continued support for gender equality and inclusivity by creating platforms to bring to light the struggles, celebrate the achievements, and champion the causes of the LGBTQIA+ community.”
Nakare-relate si Chair Liza sa okasyong ito dahil miyembro siya ng LGBTQIA + bilang asawa ng transman na si Ice Seguerra.
For the nth time ay muling natanong kung ano ang update sa plano nilang magkaroon ng anak ni Ice, hindi na ba nila itutuloy?
“Tuloy naman po kaya lang po, siyempre, lahat po tayo ngayon, may pinagdaraanang financial constraints, hehe. Si Ice po, more than a year na rin pong walang work. So, we’re both, you know, finding way to maintain and sustain our life and ano po so, when it happens, it happens. Ayoko na lang pong magsalita.
“But of course, it’s always in our plans po. Kaso, magpo-40 na po ako ngayong June. Ha haha! This is my birthday month po,” masayang sagot ng hepe ng FDCP.
Sa tanong kung okay sa kanya na magkaroon din ng karelasyong miyembro ng LGBTQIA+ ang anak nilang si Amara.
“Oh, yeah. Sobra! If there’s one thing that I have with my daughter is honestly. It’s not in my place to actually, you know, share with everyone how she identifies, but I think it’s in her page, (on her) Facebook page. And I fully support that.
“I love my daughter because she knows who she is. She’s not gonna be one of those kids who experienced gender dysphoria, because hindi nila alam kung paano sila, how can they be competence with their identity.
“I know for sure that my daughter, we know, that our daughter is in a place, a safe place, where she could be anything she wants to be. And she could be whoever she wants to be.
“And I know my daughter’s orientation. And I fully support that, and it’s normal thing for us to discuss inside the house. And for me, ganyan na rin po ang mga kabataan natin ngayon, na-normalize na nila ‘yung conversation. Mayroon silang mga term like ‘rookie?’ and all that. And I am just so amazed by that kind of normal conversations they have about being LGBT. They actually say, ‘Everybody’s gay.’ Ha hahaha!”
Samantala, mayroong 23 subscription films na mapapanood sa halagang PHP 99 sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph) kasama ang pitong pelikula ng PelikuLAYA na maaaring mapapanood hanggang Hunyo 30: Masahista ni Brillante Mendoza, I Love You. Thank You ni Charliebebs Gohetia, Mga Gabing Kasing Haba ni Hair Ko ni Gerardo Calagui, Miss Bulalacao ni Ara Chawdhury, Ang Huling Cha-Cha Ni Anita ni Sigrid Andrea P. Bernardo, Best. Partee. Ever. ni HF Yambao, at Ned’s Project ni Lem Lorca.
At para sa mga hindi pa nakarehistro, maaaring magpa-register at mag-subscribe sa FDCPCHANNEL.PH.