Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juliana Parizkova Segovia nabu-bully na nasa tiyan pa lang

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

INAMIN ni Miss Q&A 2018 grand champion Juliana Parizkova Segovia na nakatikim siya ng pambu-bully noong nasa sinapupunan palang siya ng ina.

Naikuwento ito ni Juliana sa ginanap na virtual mediacon para sa pelikulang Gluta kasama sina Ella CruzMarco Gallo, at ang direktor na si Darryl Yap.

Aniya, ”Sa mga nakaaalam ng istorya ng buhay ko, nasa sinapupunan pa lang ako, binu-bully na talaga ako.

“Noong nabuntis ang nanay ko, talagang ayaw ng family ng nanay ko na magbuntis siya ng ganoon kaaga. Parang nag-try na ilaglag (pa ako) and everything.

“Pero siyempre, makapit ako, palaban, kaya nailabas pa.”

Hindi roon nagtapos ang mga natikmang lait ni Juliana dahil nang lumaki na siya ay sumasali siya sa Barangay Gay contests.

“Hanggang paglabas, hanggang sa lumalaki ako, lahat ‘yan na-experience ko, lalong-lalo na noong nagsisimula na akong sumali sa Miss Gay.

“Nang magsimula akong mag-contest sa mga barangay at ang kalaban ko, eh, talagang totoong mga baklang magaganda, malalambot, mukhang babae, roon talaga ako naka-experience ng bullying.

“’Yung experience na biglang may mananakit sa ’yo nang walang dahilan, totoo po na nangyayari.

“Kasi kapag ako ang nananalo sa isang barangay contest, hinahampas ako ng trophy sa ulo. Parang hindi nila matanggap na ako ‘yung title (nanalo). So, ang ginagawa ko, inaalayan ko sila ng bouquet of flowers. ‘O, iyo na lang ‘yan para may maiuwi ka.’”

Kaya naman noong sumali siya sa Miss Q & A sa It’s Showtime ay malaki ang nabago sa buhay niya, hindi na siya masyadong nabu-bully.

“Nabawasan talaga simula noong ako mismo, kailangan kong maniwala sa sarili ko na maganda ako.

“Kasi kapag hindi ako naniwala sa sarili ko na maganda ako, ‘yun din ang makikita sa akin ng mga tao,” paliwanag ng komedyana.

Gagampanan ni Juliana ang karakter na Tiyong Go sa pamangking si Ella as Angel na may lahing Aeta at pangarap nilang sumali sa beauty contest.

Anyway, streaming ang Gluta sa Vivamax sa Hulyo 2 kasama ang Middle East tulad ng UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar sa halagang AED35/month.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …