INAPROBAHAN ng Kamara sa pangalawang pagdinig ang panukalang batas na itaas ang buwanang pensiyon ng senior citizens.
Mula sa kasalukuyang P500 gagawing P1000 ang pensiyon ng seniors.
Layunin ng House Bill 9459 na amyendahan ang Republic Act 7432, na nagbibigay benepisyo sa senior citizens.
Bukod sa pagtaas ng pensiyon, layunin din ng panukala na bigyan ng mandato ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na rebisahin at itaas ang pensiyon kada dalawang taon depende sa kasalukuyang mount of consumer index.
Mahigit tatlong milyong senior citizens ang magbebenepisyo sa naturang panukalang batas.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, “this is a very positive development especially now in the time of the CoVid pandemic where our seniors are very vulnerable.”
Sa pagdinig sa plenary, iminungkahi ni Zarate na tangalin ang “very discriminatory qualification under the existing law of being frail, sick or with disability before an indigent elderly may qualify as beneficiary of the social pension.”
“This approved bill admittedly is still far from our objective of a truly universal pension for the elderly, but, this is a big step since the expanded Senior Citizens law was passed in 2010. This is at least a boost to the meager funds our seniors have now for their food and medicine,” ani Zarate. (GERRY BALDO)
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …