Saturday , November 16 2024

Highlander tiklo sa P1.1-M ‘damo’ sa Pampanga

HINDI inakala ng suspek na ang kanyang dating suki sa pagbebenta ng ‘damo’ ang maghuhudas sa kanya kaya huli na nang malamang bitag ang pinasok na kanyang ikinaaresto at nakuhaan ng P1.1-milyong halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang anti-narcotics operation ng Minalin Police Station sa pamumuno ni P/Capt. Mark Anjo Ubaub bilang lead unit, kaantabay ang PDEU-PIU Pampanga PPO, nitong Martes, 1 Hunyo, sa pinaigting na kampanya kontra droga ng PRO3 sa Brgy. Sta Rita, bayan ng Minalin, lalawigan ng Pampanga.
 
Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, base sa report ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, na si Ronald Lumaueg, 35 anyos, walang trabaho, may asawa, residente sa Camp 7, sa lungsod ng Baguio.
 
Nakompiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang 11 nakabastang hugis upo at dalawang resealable plastic bag na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana na may timbang na walong kilo at nagkakahalaga ng P1,000,000, isang Toyota Fortuner may plakang ZAP 619, at marked money na ipinain sa suspek.
 
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa probisyon ng Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ng Minalin PNP. (RAUL SUSCANO)
 
 

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *