Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie at Mama Loi pinalagan ang Isaw Challenge ni Julia

PALAISIPAN ngayon sa netizens kung bakit hindi sila makapag-comment sa Instagram account ni Julia Barretto kaya kaagad naming tsinek ito habang isinusulat namin ang balitang ito at may nakalagay nga na, ‘comments on this post have been limited.’

Sinubukan naming mag-comment pero naka-off naman ang comments section kaya ito ang topic nina Ogie Diaz at Mama Loi plus Jeks sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update na in-upload nitong Linggo ng gabi.

Pinalagan nina Ogie at Mama Loi ang Isaw Challenge ni Gerald  Anderson kay Julia na sinabi nitong hindi pa nga siya nakakakain ng isaw sabay pakita rin ng mga video na nahalukay ng netizens na nagpapatunay na nakakain na ang aktres noong magkasama sila ni Enrigue Gil sa isang project at ‘yung guesting nilang dalawa sa Gandang Gabi Vice at ‘yung sila naman ni Ronnie Alonte ang magkasama na kumakain sa loob ng sasakyan.

“Sabi nga nila (netizens), nagka-amnesia si Julia noong naging sila na ni Gerald,” sabi nina Ogie at Mama Loi.

Dagdag pa, ”oo binobomba siya (Julia) sa sarili niyang IG, sabi niyong isa, ‘ay bakit nag-off comment si Julia?’

“Okay hindi naman para husgahan natin si Julia ‘no, eh, baka kasi nakalimutan lang ni Julia na nakakain na siya ng ganoon.

“Pangalawa baka kasi ibang klaseng luto ‘yun kaya para kay Julia first time niyang makakita o makatikim ng ganoong barbeque.”

Biro pang sabi ni Ogie, ”pero alam mo Loi kung nakalimutan man ni Julia na nakakain na pala siya ng isaw, at least hindi niya nakalimutang hindi kinakain ‘yung stick, ha, haha.”

At move-on na kung nakalimutan o hindi ni Julia na nakakain na siya ng isaw at hindi naman ito makatutulong sa ekonomiya.  Huwag na raw i-bash ang aktres.

“Lahat tayo tao rin, nakalilimot din,” sambit ni Ogie.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …