Monday , December 23 2024

Cong Alfred walang puknat ang pag-iikot sa kanyang distrito

TUWING Lunes ng umaga, kahit may sesyon siya sa Kongreso, Congressman Alfred Vargas never misses his tsikahan sa kanyang mga constituent sa ikalimang Distrito ng Quezon City.

Sa pagkakataong ‘yun, bukod sa kasama ng shoutout sa mga sumusubaybay sa kanya, nasasagot ang mga tanong na inihahain ng mga ito sa kanya na marami ring nanonood mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

Kasama pa rin ni Cong. Alfred ang kapatid niyang si Konsehal PM Vargas sa pag-iikot sa kanilang distrito para mamahagi ng mga ayudang walang puknat din ang dating mula sa mga kaibigan, sponsors, at LGUs .

“Natutuwa sila kasi talagang pinaghahandaan sila ng pagkain, ng mga basic na pangangailangan, at ang inaabangan ng lahat, ‘yung pa-raffle. Namigay kami ng mga bisikleta para makatulong din sa hanapbuhay ng marami at mga laptop naman para sa mga estudyanteng kinailangang mag-online classes. Kaya natutuwa ako na hindi natitigil dahil na rin sa mga kaibigan nating sumusuporta sa aming mga proyekto.”

Pero bago ang lahat, ang hindi nakalilimutan ni Cong. Alfred ay ang oras niya sa pamilya, lalo na sa mga anak. Makapaghihintay ang kanyang pag-eehersisyo at iba pang nakasanayang gawin sa umaga, maski pa ang pag-inom ng kape pero hindi ang oras sa maganda niyang amore at mga bata.

Napaka-sweet din naman ng pamilya ni Cong. Alfred kasi. Kaya nagbahagi ito ng kanilang moments.

“Years ago, I was deep at work sa aking desk sa bahay. Sa sobrang busy ko hindi ko napapansin ang paligid. 

“Pati kape ko lumamig na ng halos walang bawas. Then narinig ko ang tawag ng aking bunsong anak na babae, ‘Daddy’ sabi niya. Hindi pasigaw, malumanay ang tono. Tinig ng isang batang kuntento pero may nais iparamdam. 

“Paglingon ko, nakangiti ang anak ko sa akin. Isang ngiting alam kong nakalaan para sa akin lamang. At ang tingin niya sa akin ay higit sa tingin ng pagmamahal. Alam ko sa pananaw niya, ako ang kanyang protector, comforter, playmate, daddy, kakampi. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako ng mahigit. Pagkatapos ay muli siyang tumingin, nakangiti pa rin. Then she left happy. I cannot exactly read kung ano ang iniisip niya, pero sigurado ako na mahal niya ako at kailangan niya ako. 

“Ako rin, walang araw na lumilipas na hindi ko naipararamdam sa aking mga anak na mahal ko at kailangan ko sila.”

A good read na talagang mag-a-uplift sa makababasa ‘di ba?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *