Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Keanna Reeves
Keanna Reeves

Keanna no lovelife ngayong pandemya

MAHIRAP ngayon mag-lovelife! Ang priority muna pera!” tawa ng tawang sabi sa akin ng sexy at controversial star na si Keanna Duterte Reeves.

“Yes, work talaga para hindi tayo hingi ng hingi at asa ng asa sa ayuda! Work, work na lang!”

Kaya nga, bukod sa mga ginagawa niya sa TikTok, nakahanap ng platform si Keanna and friends para magkaroon ng sarili niyang show.

“Oo, Teh! Nag-e-enjoy ako.’Yan na kasi uso ngayon. Pero matagal na ako nag-talk show noong 2019 pa kaya nagtuloy-tuloy na kasi maliban sa acting, hosting din ‘yung pangalawa kung blog. Si Arnell Ignacio ang mentor ko sa hosting.”

Kaya naman pala, kung may hosting job si Arnell Ignacio ay agad nitong binibitbit si Keanna gaya nang mag-host sila sa nabiktima ng scam na si Mary Anne Viktori sa presscon nito.

A few years back, ilang madaling-araw ding nagkasama sa isang tele-radyo sa Singko amg dalawa, sa Patol.

Ngayon, magazine ang tema ng talk show ni Keanna with Dom Corilla, ang Let’s Talk           About K.

Happy si Keanna sa mga sponsor niya na full ang support sa ginagawa niya.

Promise! Katawa ang tsikahan sa kanyang anything and everything under the sun na palabas tuwing Biyernes, 5:00-7:00 p.m. hatid ng K5 Digital Media.

Talaga ba? Wala muna lovelife? Eh, sex life? Nakalikmutan niyang sagutin, eh! Baka sa next episode ng show niya!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …