Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ganiel Krishnan sasabak sa Miss World Philippines 2021

USAPING beauty queen, ang ex-beauty queen at ABS-CBN TV reporter na si Ganiel Krishnan ay muling sasabak sa Miss World Philippines 2021 na gaganapin sa Hulyo 11.

Sa 45 kandidata ay nasa pang #39 si Ganiel na rati ng nanalo bilang Mutya ng Asia Pacific International noong 2016 at 2nd runner-up sa Miss Asia Pacific International na ginanap sa Puerto Princesa City sa parehong taon. Nanalo rin siyang Miss Manila noong taon ding iyon.

Sa video post n Ganiel sa kanyang Instagram account ay ipinakilala niya ang sarili bilang representante ng Kawit, Cavite at apat silang magkakapatid na pawang mga babae sa inang Filipina at amang Indian.

Naikuwento rin ni Ganiel na rati na siyang umarte sa TV noong kabataan niya at nagtapos ng kursong Mass Communications sa Far Eastern University.

Naging courtside reporter din siya hanggang sa nakapasok na siya ng ABS-CBN bilang TV reporter at radio anchor-host.

Caption ng future Miss World Philippines”It’s official! Feeling all sorts of emotions as I embark on an exciting journey towards @msworldphil! Incredibly overwhelmed with the outpour of support, well wishes and messages. Took a big leap of faith to be here today and I cannot thank enough all the people who are with me throughout this journey.”

Bagama’t may titulo na, gusto pa ring subukan ni Ganiel na masungkit ang titulong Miss World Philippines para maging representante ng ating bansa sa Miss World na gaganapin sa San Juan, Puerto Rico sa Disyembre 16.

Say ni Ganiel, ”It’s Miss World Philippines or nothing. In the end, we only regret the chances we didn’t take.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …