Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim at Kit lalong paiinitin ang summer 

MULING paiinitin nina Kim Molina at Kit Thompson ang summer ng iWantTFC subscribers dahil napapanood ngayon nang libre ang hit iWantTFC original movie nilang MOMOL Nights, dalawang taon matapos itong unang ipalabas.

Siguradong makare-relate ang viewers sa sexy romantic comedy na ito tungkol sa modern dating at no-strings-attached na mga relasyon. Pumatok sa millennials at viewers ang MOMOL Nights noong ipalabas ito noong 2019 dahil sa relatable na kuwento, nakatatawang mga banat, at mga aral sa pag-ibig na ibinahagi nito, kaya naman naging isa sa most watched movies ito sa iWantTFC, na noo’y iWant.

Bukod sa MOMOL Nights, makakukuha rin ng good vibes sa mga libreng pelikula sa iWantTFC, gaya ng Kung Ayaw Mo, Huwag Mo nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin at ang barkada movie na”Gimik The Reunion.

Pwede namang balik-balikan ng standard at premium subscribers sa buong mundo ang movies na Four Sisters and A Wedding at Just The Way You Are nina Liza Soberano at Enrique Gil, at ang kompletong episodes ng ABS-CBN teleseryes na On the Wings of LoveBe Careful With My HeartOh My GGot to Believe, at My Dear Heart.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …