Monday , September 9 2024

Rabiya Mateo at iba pa nagkaisa sa isang adbokasiya

MALAKI ang malaakit ni Miss Universe Philippines, Rabiya Mateo sa mga medical worker. Ito ay nakikita sa kanyang social media accounts.

Ang pagtulong  sa mga medical worker ngayong pandemya ay isa sa kanyang isinusulong na adbokasiya bilang licensed Physical Therapist, at nagtuturo rin sa medical review center.

Nang ipinatupad ang enhanced community quarantine o ECQ noong nakaraang taon, kaagad na tinawagan  ni Rabiya ang kanyang kaibigang Nurse na nagtatrabaho sa isang ospital sa Maynila para kamustahin ang kalagayan nito.

Sa kanyang social media post,  ibinahagi ni Rabiya ang pagpugay sa mga frontliner na kanyang tinawag na “silent heroes.”

“Thank you for sacrificing a lot of things just to make sure everything will be under control. Thank you for having the bravest and kindest souls. We are all praying for your health and safety,” ani Rabiya.

Malapit sa puso ni Rabiya ang mga medical frontliner kaya naman hindi na kataka-taka na ginawa niyang adbokasiya ang bigyang proteksiyon ang sarili para maprotektahan sila. Kamakailan, nagsama- sama muli si  Rabiya at iba pang kasalukuyang reyna ng MUP na sina 1st runner-up Bella Ysmael, 3rd runner-up Pauline Amelinckx, at 4th runner-up Billie Hakenson para itaguyod ang good hygiene bilang frontline defense laban sa COVID-19.

Sa patuloy pa rin na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo, ang good hygiene at tamang pag sanitize ng mga kamay ay napa kahalaga para malabanan at masugpo ang pandemya, kasabay ang pagsusuot ng face mask at face shield, at physical distancing.

Sina Rabiya, kasama ang dating Miss Universe third runner-up at ngayon ay MUP National director Shamcey Supsup-Lee ay naglabas ng isang  video na ibinabahagi nila ang kahalagahan ng paggawa ng mga simpleng bagay tulad ng pagpapanatiling malinis ang mga kamay at iba pang mga bagay na madalas na hinahawakan bilang isa sa pina kamabisang paraan para maprotektahan ang sarili at kapwa laban sa COVID-19.

“We all play a critical role in the fight against COVID-19. Good hand hygiene behavior is one of the most effective actions we can take to reduce the spread of viruses and infections. San Miguel Ethyl Alcohol takes the crown for my daily protection needs and I use it as part of my all-day frontline defense,” ani Rabiya na sumabak kamakailan sa Miss Universe pageant sa Florida, USA.

Kasama ni Rabiya at iba pa sa paglaban sa Covid ang San Miguel Ethyl Alcohol na natural at gawa sa sugarcane kaya ito ay ligtas na gamitin sa kamay at sa mga kagamitan sa bahay. Ang disinfecting formula nito ay pumapatay ng 99.99% germs at nagsisilbing proteksiyon laban sa mga bacteria at viruses, habang ang moisturizing  ingredients nito ay banayad at mabango sa balat.

Ang good hygiene ay ginawang abot kaya ng San Miguel Ethyl Alcohol na  mabibili sa 250 ml, 500 ml, at 1-liter bottles nationwide. Ang San Miguel Ethyl Alcohol din ang ipinamigay ng libre ng  San Miguel  Corporation (SMC) sa pamamagitan ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) para sa mga frontliner nang nagkaroon ng kakulangan ng rubbing alcohol sa pagsisimula ng pandemya noong nakaraang taon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Mavy Legaspi Jackie Lou Blanco

Komento ni Jackie Lou sa post ni Mavy minasama ng ilang netizen

MA at PAni Rommel Placente NITONG Lunes, September 2, nag-post ng larawan si Mavy Legaspi sa kanyang Instagram page. …

Piolo Pascual

Piolo ibinahagi sikreto ng gwapo at yummy look

MA at PAni Rommel Placente MARAMING nakakapansin na hindi tumatanda ang hitsura ni Piolo Pascual, kahit …

Kyline Alcantara Kobe Paras

Kobe may pa-birthday surprise kay Kyline sa NYC

I-FLEXni Jun Nardo PROUD na ipinagmalaki ni Kyline Alcantara ang pagsasama nila ni Kobe Paras sa birthday celebration nila …

Iya Villania Drew Arellano Kristine Hermosa Oyo Sotto

Kristine nakabuo ng volley team, Iya may basketball team naman  

I-FLEXni Jun Nardo IPINANGANAK na ni Kristine Hermosa ang ikaanim na baby nila ni Oyo Sotto. Halos kasabay …

Sandro Muhlach Cebu

Sandro okey ang ginawang bakasyon sa Cebu

HATAWANni Ed de Leon OKEY naman talaga ang magbakasyon muna si Sandro Muhlach sa ibang lugar para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *