ARESTADO ang isang rider nang mahulihan ng baril at mga bala makaraang masita sa isang quarantine control checkpoint na minamandohan ng mga operatiba ng City Mobile Force Company (CMFC) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Karen Clark nitong Lunes, 17 Mayo sa kahabaan ng Sto. Rosario St., Brgy. Sto Rosario, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.
Kinilala ni P/Col. Rommel Batangan, City Director ng Angeles City PO, ang suspek na si Ryan Leonel Pamintuan, nasa hustong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Amsic, sa naturang lungsod.
Base sa ulat ni P/Lt. Col. Clark, hiningan ng papeles ang sinakyang motorsiklo ng suspek nang sitahin siya sa kanilang checkpoint.
Tumambad sa kanilang presensiya ang dalang kalibre .45 Chromed Commander Firestone baril, may magasin at walong mga bala, nang buksan ng suspek ang compartment ng motorsiklo.
Dinakip ng mga awtoridad si Pamintuan nang walang maipakitang mga legal na dokumento sa pagdadala ng baril at dinala sa Police Station 1, Angeles City Police Office (ACPO) para maimbestigahan.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng nabanggit na estasyon ng pulis.
“We have been continuously beefing up our aggressive drive to recover and to seize loose firearms. May this serve as a stern warning to all especially who have not yet renewed their licenses or turned over their undocumented firearms in their nearest police station for safekeeping. Stricter penalties are imposed against violators,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …