Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo

Rabiya sa mga Pinoy — I did everything I can

BUONG-PUSONG tinanggap ni Rabiya Mateo ang kapalaran niya sa Miss Universe 2020.

Nakapasok si Rabiya sa Top 21 pero roon na nagtapos ang journey niya sa Miss Universe.

Sa Instagram n’ya noong gabi ng May 17 sa Pilipinas, nagpasalamat si Rabiya sa pagkakataong napili siyang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.

Mensahe niya sa kanyang post: ”It was such a beautiful moment to represent you, Philippines. I am forever honored to be part of the legacy, of our history.”

Ayon pa kay Rabiya, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa pangarap na karangalang maiuwi sa bansa.

Dagdag niya, ”In my heart, I did everything I can. I trained really hard to be physically fit.

“I would have sleepless nights trying to read articles to be updated.

“I made a lot of sacrifices people cant sometimes see. Early calltime. Late night rest. Trying to be sane and motivated.

It was a challenge but it made me so much stronger everyday.

“Salamat mga kababayan! Mahal ko kayo!”

Noong May 18 naman isang nakatutuwang post ang ibinahagi ni Rabiya.

Makikita sa larawan ang team niya na umaalalay sa kanya sa Miss Universe 2020 pageant, kasama si Miss Universe Philippines creative director Jonas Gaffud.

Paglalarawan ni Rabiya sa kanilang grupo: ”Lotlot and friends [peace emoji] Never a dull moment with these people. #teamphilippines”

Ang Lotlot & Friends ay salitang ginagamit sa kuwentuhan ng mga tao kapag natalo sa isang laban o laro.

Samantala, handa na si Rabiya na harapin ang panibagong yugto ng kanyang buhay pagkatapos ng Miss Universe.

Sabi nito, ”My Miss Universe journey has ended. I just finished one beautiful chapter.

“Now, I’m excited to write a new one. 

“More blessings to receive! More people to inspire!”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …