PINANGUNAHAN ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon kasama ang key officials ng rehiyon ang pagdalo sa Zoom Conference para sa simultaneuos launching ng “E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksiyon Ko,” sa pamumuno ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar na ginanap sa Camp Crame, lungsod ng Quezon, kaalinsabay ng traditional flag raising, nitong Lunes, 17 Mayo, sa Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.
Hinikayat ni P/Gen. Eleazar ang bawat mamamayan na maaring tumawag sa mga numerong 0919-160-1752 at 0917-847-5757 ng “E-Sumbong” upang iparating sa kanya kung mayroon mang ginawang pang-aabuso ang pulisya upang agad masolusyonan.
Layunin ng hepe ng pambansang pulisya na maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa mga pulis na minsan nang sinira ng ilang tiwaling pulis, sa loob ng kanyang panunungkulan. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …