Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Bash ni Jobert umaarangkada online 

MALAKING epekto kina Jobert Sucaldito at Philip ‘Dada’ Rojas ang COVID-19 pandemic dahil nawalan sila ng regular na trabaho.

Pero hindi naging hadlang ito dahil gumawa sila ng online showbiz show na patok na patok ngayon ang The Bash With Jobert Sucaldito na nagsimula noong September 30, 2020.

Mula sa pamagat mismo ng palabas, ang host nito ay si Jobert Sucaldito na isang showbiz news anchor at columnist kasama ang vlogger, social media influencer at Kumu Artist na si Maine Nadaya. Ang dating staff ni Kuya Boy Abunda naman na si Dada ang production manager ng The Bash.

Ang The Bash with Jobert Sucaldito ay isang oras na online showbiz magazine talkshow at ipinalalabas ng live sa Facebook at YouTube tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes simula 4:00 p.m.

May sariling studio ang The Bash na maganda at malaki at ito’y matatagpuan sa Kamias, Quezon City.

Kaya, para mauna sa pinakabagong chikaBASH, ugaliing panoorin ang  The BASH at huwag kalimutang i-Like, Follow and Subscribe ang kanilang official Facebook Page, Instagram, at YouTube Channel!

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …