Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Netizens nag-react sa pag-amin ni Iwa na nagger siya kay Thirdy

VERY proud na ipinost ni Jodi Sta. Maria ang larawan ng anak na si Panfilo Lacson III Thirdy sa kanyang Instagram account ng pagtatapos nito ng high school.

Ang caption ng aktres, ”Anak, I know you told me not to post this kasi ayaw mo ‘yung hair mo sa photo (gwapo ka parin anak) but I couldn’t help it! I am just so proud of you! It wasn’t easy but by the grace of God you made it. Congratulations anak 2 more years may college student na kami.

“You are now a step closer to your dreams. I love you, Muy 

“To our dear teachers. THANK YOU! Your patience is second to none! I am grateful for your gentle guidance and willingness to help. Mabuhay kayo. @iam.thrdy

Bumati rin si Iwa Moto, ang kasalukuyang partner ni Pampi Lacson na ama ni Thirdy at ex-husband ni Jodi.

“Congratulations Muy! And to you (Jodi) and Pampi! Lahat ng hirap at pagod kaka remind sa kanya nag pay-off na amor!! Konti nalang may college boy na tayo!!

“P.S yung hair ang ganda kaya ang linis tignan dba.”

Nag-post din si Iwa sa kanyang IG account ng larawan din ni Thirdy na ang caption ay, ”Hi kuya! Congratulations anak! We are proud of you! Pasensya na kung nagger ako tuwing may need kang ipasang requirements. Ha ha. Next school year ulit maririndi ka na naman sakin ha ha. But kidding aside, we love you. See you soon babe. @iam.thrdy

“P.S. sana ganyan na lagi hair mo.”

Marami ang nag-react sa caption ni Iwa dahil sa sinabing nagger siya o kinagagalitan niya ang anak ni Pampi kay Jodi.

Base naman sa huling panayam namin kay Jodi kapag nasa lock-in shoot siya ay nasa poder ng tatay niya si Thirdy lalo’t nag-aaral at since close naman na sila ni Iwa ay hindi tiyak mamasamain ng una kung pagsabihan nito ang anak lalo’t tungkol naman ito sa pag-aaral niya at ‘anak’ din talaga ang turing ni Iwa sa panganay ng partner niyang si Pampi.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …