Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon nag-US para magpa-Covid vaccine

MAGPAPA-COVID-19 vaccine ba si Sharon Cuneta-Pangilinan sa Amerika kaya siya umalis noong nakaraang gabi?

Marami kasi ang nagulat sa biglaang pag-alis ni Sharon patungong Amerika na inakalang may pinagdaraanan na naman sa pamilya niya.

Oo nga nakagugulat dahil ang saya-saya naman nila ng asawang si Senator Kiko Pangilinan kasama ang mga anak during their 25th wedding anniversary. Naging emosyonal lang noong nakausap ng Megastar ang panganay niyang si KC Concepcion dahil miss nila ang isa’t isa.

Caption ng aktres sa pag-post niya ng pasaporte, ”I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are. But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents. I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys. Please pray for me, @mariano.peachy and @annadasig . God bless you always!”

Isa-isang hinahagkan ni Mega ang mga anak at nanalangin pa siya para sa safe travel nila, ”Praying and saying bye to my family.”

At nang makarating na siya ng Los Angeles ay nag-post si Sharon ng larawang kasama ang bestfriend niya.

“Home in L.A. with one of my lifelong best friends on the planet, Lorraine! On our way to dinner. Thank You Jesus for a safe and enjoyable flight. PAL Cabin Crew is always the best!”

At ang komento ng anak niyang si KC, ”Get your vaxx!!!”

Sagot naman ni  @macmac90210,  “@kristinaconcepcion We got free vaccine here and no stupid 14 days quarantine.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …