PATAY ang isang suspek habang nakatakas ang isa pa nang mauwi sa running gun battle ang habulan sa pagitan ng mga awtoridad at mga kawatang nanloob sa bahay ng isang OFW nitong Martes ng gabi, 11 Mayo, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.
Ayon sa isinumiteng ulat ni P/Col. Jaime Santos kay P/BGen. Valeriano De Leon, dead on the spot ang suspek na kinilalang isang alyas Darwin, residente ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na natiyempohan ng mga operatiba ng Intelligence Unit ng Cabanatuan City Police Station sa pangunguna ni P/Maj. Angelito Manalastas ganap na 11:00 pm kamakalawa sa Brgy. Zulueta ang mga suspek sakay ng tig-iisang motorsiklo at armado ng maiiksing baril.
Imbes huminto, pinaputukan ng mga suspek ang mga humahabol na pulis na nauwi sa running gun battle at nagresulta sa pagkamatay ng suspek habang mabilis na humarurot sa kanyang pagtakas ang hindi pa kilalang kasabwat na tinutugis sa manhunt operation.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .45 paltik, isang magasin, isang itim na Micro Bike EXT 125 motorsiklo, at mga basyo ng bala ng baril.
Batay sa imbestigasyon, pinasok ng mga suspek ang bahay ng isang OFW sa nasabing lugar dakong 4:50 pm at sinira ang bakal ng sliding glass na bintana saka niransak sa master’s bedroom ang P60,000 cash, P200,000 halaga ng mga alahas, at isang itim na leather Michael Kors shoulder bag na nagkakahalaga ng P15,000. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …