Saturday , November 16 2024

2 most wanted magnanakaw sa Gapo arestado (Operation Manhunt Charlie)

NADAKMA ng mga awtoridad ang dalawang suspek na itinuturing na most wanted ng lungsod ng Olongapo, sa lalawigan ng Zambales, pinaniniwalaang sangkot sa pagnanakaw sa isinagawang Operation Manhunt Charlie nitong Lunes, 10 Mayo, sa Brgy. Sta. Rita, sa nabanggit na lungsod.
 
Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang mga suspek na sina Ar Jhay De Jesus, alyas Junjie, 19 anyos; at Ryan Alcantara, alyas Egoy, 20 anyos, kapwa mga binata at parehong nakatira sa Tabacuhan St., sa naturang lungsod.
 
Batay sa ulat, naglunsad ng manhunt operations ang mga kagawad ng Olongapo City Police Station 5 na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek sa nasabing barangay sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Article 302 ng Revised Penal Code o Robbery in Uninhabited Place on a Private Building, nilagdaan ni Presiding Judge Rosalinda Rojas Jungco-Abrigo, ng Olongapo City MTC Branch 3, may petsang 1 Pebrero 2021, may rekomendadong piyansang P18,000 para sa pansamantalang paglaya ng mga suspek.
 
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng Olongapo PNP habang hinihintay ang itinakdang araw sa pagdinig ng kanilang asunto sa husgado. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *