Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame

Willie lugi ng P140-M, show iiwan na

KAHAPON, Mayo 10 ang
ika-anim na anibersaryo
ng Wowowin sa GMA 7 ni Willie Revillame.

“Nagsimula po kami 5-10-2015, o May pala ngayon.  Anong date ngayon, May 7 (Biyernes). Mag-aanibersaryo na pala tayo, six years na po kami! Kaya pala bigla akong (naging sentimental),” say ni Willie sa episode ng Wowowin noong Biyernes.

Nami-miss na ng TV host ang live audience niya at dito niya binalikan ang mga alaala noong wala pang pandemya.

“Rito (sabay turo sa mga upuan) puno ng tao, riyan, doon. Nakaka-miss lang. Dati po kasi alas-singko palang ng umaga marami ng tao rito, naka-dyip, naka-bus mga estudyante, ipinapaalala ko lang po sa inyo (viewers).

“Siyempre iba na ngayon ilan lang kami rito (sabay bilang sa daliri) wala pa kaming sampu, pero ‘pag in-include mo naman ang LED boys siyempre. Naka-social distancing po kami lahat naka-face shield, naka- face mask talagang requirement po namin ‘yan. 

“Anyway, name-miss ko talaga ‘yung mga sigawan. Kumakain kami ng lunch diyan kasama ko mga co-host ko sigawan diyan. Parang naging ano ho ito, eh, tourist spot (studio). Excursion, kumbaga sa beach dito. Bago kami mag-start nagsasayawan sila (studio audience) tapos nagpapa-picture sila sa (naunang logo-Kayo ang Bida Wowowin) more than a year ago.

“Nami-miss ko ‘yung sinagawan, lalapitan ka, hahalikan ka ng matatanda, inaamoy ka ng mga lolo, lola, ‘Willie pambili ko lang ng gamot. Willie ‘yung apo ko bigyan mo ng ganito, pambayad ng koryente, bigyan mo ako ng TV,’” kuwento ni Willie.

At saka nabanggit na malaki ang lugi niya sa Wowowin na umabot sa P140-M at talagang plano na niyang umalis at manirahan na lang sa Tagaytay na roon ay nakabili siya ng malaking bahay.

“Nagsimula ako rito (Wowowin), May 10, ako ho ang nagpo-produce niyon, ako. Pera ko ‘yun, every Sunday, 3:30-4:30 p.m.. Dumating ang time na after mga ilang linggo, sabi ko, stop ko na, dahil wala kasi akong marketing, eh. Walang nagbebenta ng programa.

“So, nalulugi. Umabot na sa point na P140-M po ‘yung nagastos ko na walang bumabalik.

“Kasi nagbabayad ho ako ng blocktime, eh, more than P2-M for 1 hour. Isipin n’yo sa P2-M, P2.2-M  yata, sa isang buwan ho, eh P8.8-M ‘yun. Wala ka pang ilaw. Kala n’yo, ganoon kadali mag-produce. Wala ka pang bayad sa artist, wala ka pang bayad sa staff, sa gwardya, lahat. So, gumagastos ho ng P14-M to P15-M a month ang programang ‘Wowowin,’” pagkukuwento ng TV host.

Nagpaalam na siya sa GMA bosses, pero tinawagan siya ni Joey Abacan, isa sa mga boss.

“Nagpaalam na ako, and then, paalis na po ako, nag-eempake na ako, pupunta akong Tagaytay, doon na ako titira, mag-quit na ako sa showbiz.

“Sabi ko, ‘out na ako, Joey, medyo mabigat na, more than P100-M na ang nagagastos ko na cash,’” katwiran ni Willie kay Joey na inalok siyang 50% na lang ang ibayad pero hindi pa rin siya pumayag kaya ang ending, ang GMA na mismo ang magpo-produce ng Wowowin.

“Ikinukuwento ko ho ito para malaman n’yo ‘yung totoong istorya ng ‘Wowowin’ dito sa GMA-7, ‘yung pagpasok ko po rito. So, after niyon, nagkaroon po ng ‘Sunday Pinasaya,’ back to back ng ‘Wowowin.’

“Sabi ko, ‘maganda ‘yan’ kasi, ang GMA, marketing at sales na po, sila na po kumbaga, ang bahala sa commercials na napakalaking bagay na po sa akin kasi, natutulungan na ako, sobrang laking tulong,” pagtatapat ni Willie.

At dahil tumaas ang ratings game kaya muli siyang kinausap ng taga-GMA kung gusto niyang gawing daily ito na pumayag naman na napapanood ng 5:00-6:00 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes na sa kalaunan ay naging isang oras at kalahati na at nanatiling hindi iniwan ng mga supporter.

“And then, ‘eto na po tayo. Sino ho ba ang mag-iisip na itong pandemya eh, magla-live pa kami?” saad ng TV host.

Nagpasalamat si Willie sa GMA sa tiwalang ibinibigay sa kanya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …