Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolens, Melai, at Karla maghahasik ng katatawanan 

LIMANG taon mula nang maghasik ng kasiyahan, katatawanan, at inspirasyon tuwing umaga sa Magandang Buhay sina Jolina Magdangal-Escueta, Melai Cantiveros, at Karla Estrada. At ngayon ay sa pelikula naman sila magsasama at ano nga bang mangyayari kung sila ay magkapalit-palit ng pagkatao?

Sa pelikulang Momshies! Ang Soul Mo’y Akin! iikot ang kuwento sa tatlong momshies na sina Jolene (Jolina), Mylene (Melai), at Karlene (Karla) na mababago ang buhay nang magkapalit ang kanilang mga kaluluwa at katawan. Dahil dito, kailangan nilang mamuhay na magkakasama sa kabila ng mga personal nilang misyon sa buhay.

Mula sa produksiyon ng Star Cinema at Keep Filming, ang Momshies! Ang Soul Mo’y Akin ay idinirehe ni Easy Ferrer, ito ang kauna-unahan niyang proyekto ABS-CBN Films bilang director. Dating assistant director siya sa mga pelikulang Between Maybes, The Ghost BrideBloody Crayons, at The Third Party kaya hindi na bago si direk Easy sa bakuran ng Star Cinema.

Habang ang ating mga sariling momshie ay patuloy na naaaliw sa bardagulan nina Jolina, Melai, at Karla sa telebisyon tuwing umaga, pagkakataon na rin para i-level up ito sa pamamagitan ng pag-treat sa kanila ngayong Buwan ng Mga Ina sa Family Comedy Event ng Bagong Dekada, kasama ang mga popshie, mga anakshie, mga auntshie, at mga grandshie sa ating mga tahanan.

Simula ngayong Mayo 28, 2021, mapapanood ang Momshies! Ang Soul Mo’y Akin sa KTX.ph at iWant TFC.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …