TATLONG suspek na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga ang tumimbuwang nang makipagpalitan ng mga putok sa mga nakatransaksiyong operatiba ng Cabanatuan City Police Station DEU nitong Biyernes, 7 Mayo, sa pinaiigting na kampanya kontra droga ng Central Luzon PNP.
Sa ulat ni P/Col. Jaime Santos kay P/BGen. Valeriano De Leon, patay agad ang mga suspek na kinilalang sina Daniel Lopez, Jared Asuncion, at Jake Elvambuena, pawang nasa hustong edad, mga residente ng Nueva Ecija.
Natunugan ng mga suspek na anti-narcotics operative ang nakatransaksiyon kaya bumuwelo saka pinutukan ang mga alagad ng batas.
Mabilis na gumanti ng putok ang nakahimpil na puwersang back-up na nagresulta ng agarang pagkamatay ng mga suspek sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.
Sa proseso ng mga operatiba ng Scene of the Crime Office (SOCO), natagpuan sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 at isang kalibre .45 mga baril, isang granada, mga basyo ng bala, anim na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P103,088, at isang pakete ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana.
Ayon sa record ng pulisya, isang pugante si Elvambuena na may alias warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Acting Presiding Judge Maximo Ancheta, Jr., ng Gapan City RTC Branch 87. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …