Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zaijian pasok sa American crime drama series

PASOK na rin si Zaijian Jaranilla sa American crime drama series na Almost Paradise at mapapanood siya ngayong Linggo, Mayo 9, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel at A2Z at may streaming sa iWantTFC at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube para sa mga nasa Pilipinas.

Sa inilabas na teaser sa social media, makikita ang young star kasama ang beteranong aktor na si Art Acuña, na gumaganap bilang Detective Ernesto Alamares sa programang handog ng Electric Entertainment at ABS-CBN.

Sa episode na ito, magsisilbing bodyguard ang dating secret agent na si Alex Walker (Christian Kane) para sa tanyag na country singer na si August Crowe na naroon sa Cebu para sa isang concert. Mula pagiging fan, unti-unting nauubos ang respeto ni Alex sa idolo nang makita kung paano ito sa pribado niyang buhay. Gayunman, ang banta mula sa mga matinik na kidnapper ang magiging dahilan para maging malapit sila sa isa’t isa.

Gaganap bilang August ang aktor na si Billy Ray Gallion,  na napanood sa mga palabas na Brooklyn Nine-Nine at Lost sa Amerika at nakaarte na kasama ng mga Filipino sa Quezon’s Game at Ang Babae Sa Septic Tank 3.

Daragdag pa sa Pinoy power sa ikawalong episode maliban kay Zaijian ang premyadong aktor na si Elijah Canlas at si Al Gatmaitan. Filipino rin ang direktor ng episode na si Irene Villamor, na nasa likod ng mga pelikulang On Vodka, Beers, and Regrets, Meet Me in St. Gallen, at  Sid & Aya: Not A Love Story.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …