Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bernadette napraning nang magka-Covid

HINDI itinanggi ni TV
Patrol
 anchor
Bernadette Sembrano-Aguinaldo
 na sobra siyang napraning noong nagpositibo siya sa Covid-19 kahit na wala siyang nararamdaman kaya hindi niya matanggap sa sarili kung paano siya nagkaroon gayung napakaingat niya sa lahat ng bagay.

“Actually, it’s more like the only place I take off my mask publicly is at work. Kaya ‘yan ang hinala ko. Lessons learned even If you are alone in an air-conditioned room never remove your mask pa rin.

“Buti our producers are pro active. Al fresco na ang ‘Patrol,’ nasa open air malapit sa Dolphy Theater.

“Anywhere na poor ventilation – never remove your mask. Our make-up artists are all negative kasi naka-mask palagi.

“Ang pasalamat ko lang I don’t go near Kabayan and always naka-mask ako ‘pag may ibang tao and malayo but ang mistake ko is removing my mask when I am alone in the make-up room and dressing room never talaga ever,” kuwento nito.

At sa pagbalik niya sa TV Patrol nitong Miyerkoles na napanood namin sa YouTube ay nabasa namin ang feedback ng mga nanonood at masaya sila sa muli nilang pagbabalik nina Kabayan Noli de Castro at Henry Omaga-Diaz.

Binanggit naming nagpagupit pala siya ng buhok at inamin niya na pagkatapos ng 14-day quarantine niya ay sinadya niyang paputulan ang hair para new look sa pagkaka-survive niya sa Covid-19.

At ipinost ni Bernadette sa kanyang FB account pagkatapos ng TV Patrol ang kuwento pagkatapos namin itong pansinin nitong Miyerkoles.

“The story behind the hair. Coming out of Covid, I needed a haircut. And yes – my friend and hairstylist @studiofixbyalexcarbonell . Was swamped.

“I was veryyyy desperate. Naghahanap ako DIY na on YouTube to cut my own hair ! HONEST. ang Hirap ng Hindi mo gamay.

“But what a blessing that I found a salon was just by the road ! And best of all they understood my apprehension of being indoors.

“Pwede ba ako magpagupit sa labas – kahit sa parking lot.

“They set up an isolated space just for me! I called it The solarium kasi no aircon and bukas pinto! @designstudioph. Super salamat din kay Barbie sa tiis sa init . Love the hair!

“I am blessed because Alex understood where my anxiety was coming from.

“Gets din ni Chase ang anxiety ko. Recovering from Covid – you will have fears but you must continue to live even if it means doing things differently.

“We cope. We remain agile and yes we continue to understand each other without judgment but with more compassion.

“And yes, walk in lightness. Free.”

May mga nakausap din kaming kahit COVID-19 asymptomatic sila ay nakaka-praning talaga na kahit malakas ang immune system mo kapag nakaramdam ka na ng anxiety at stress ay babagsak na ang katawan mo.

Kaya sa mga ganitong pagkakataon ay panalangin sa Diyos at suporta ng pamilya ang kailangan ng taong nagpositibo sa COVID-19.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …