Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Candy Pangilinan pinagbintangang baliw ng dating asawa

HINDI lingid sa publiko ang naging buhay ng komedyanang si Candy Pangilinan na iniwan siya ng asawa bago pa niya ipanganak si Quentin na na-diagnose ng Autism na 18 years old na ngayon.

Napapanood namin ang YouTube channel ng mag-ina at nakita namin kung gaano kakulit si Quentin na kailangan ng special attention sa lahat ng kasama nila sa bahay.

Sa panayam ni Candy kay Toni Gonzaga-Soriano ay nalaman na ng mga nakapanood ang buong detalye ng nangyari sa aktres bilang single mom at kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng asawa.

“Actually ganito ‘yan, eh, even before I got pregnant medyo malabo na kami. We were together for 10 years tapos noong ikinasal kami, medyo malabo na kami, even before kami ikasal.

“Mayroon na akong nahuli, mga ganyan. Pero kasi ‘yung babae ‘yung feeling mo parang people change. Feeling ko a baby will save it. Kaya nag-decide ako magbuntis. So, nagbuntis ako, but no!

“Before I gave birth (kay Quentin) nandiyan pa naman siya, sinasabi niya sa akin iiwanan niya ako,” say ng aktres.

Nagulat si Toni, ”So, during the whole time na pregnant ka, emotionally?”

Um-oo si Candy, ”Sinasabi naman niya sa akin at least nag-aabiso. Ang term pa nga niya ‘souvenir’ hindi ko makakalimutan ‘yun. I was very pregnant then.”

Noon pa talaga uso ang ghosting dahil ang paalam kay Candy ng dating asawa ay maglalaro lang ng golf ang tatay ng anak niya, pero hindi na bumalik.

“To make a long story short, I gave birth, a month I gave birth umalis na nga siya, hindi na siya umuwi. Nagpaalam naman siya sa akin, sinabi niya maggo-golf siya.

“Nagpaalam siya maggo-golf siya, tapos hindi ko na alam kung anong butas ang tinira niya sorry! Ha-hahaha!”  tumawang sabi ni Candy.

Nagpa-check up si Candy dahil sinabihan siyang ‘baliw’ ng ex-husband na dahilan kaya siya iniwan.

”Nagpa-Psychologists ako, kasi walang gamot, eh. Pumunta ako sa Psychologists, kasi sinasabi niyong ex ko before, ‘baliw daw ako.’

“’Baliw ka,’ sabi niya ganyan ‘kasi pinaghihinalaan mo ako na may babae.’ Sabi ko, ‘So baliw ako,’ kaya siya umalis kasi baliw ako. Pero feeling ko talaga mayroon! Nagpa-check ako talaga sa doktor kung baliw ako. Hindi naman daw,”  sambit ng komedyana.

At base sa napapanood naming vlog ng mag-inang Candy at Quentin, masaya sila sa isa’t isa at kahit makulit ang unico hijo niya ay may mga inputs na natututuhan ang aktres.

Sabi pa, ”He’s my ticket to heaven. Kasi grabe ‘yung itinuro niya sa akin. ‘Yung pasensya, ‘yung tolerance, at saka ‘yung to live simply. ‘Yun ang simple ng buhay. Sobra siyang grateful and appreciative of simple things. Dati kasi, ako kailangan mo akong i-impress. Ngayon hindi na. Simple lang, nakatutuwa.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …