KALABOSO sa magkakasunod na manhunt operations ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tatlong most wanted persons sa kasong rape, kidnapping, at serious illegal detention, sa Makati at Quezon City, nitong Linggo, 2 Mayo.
Sa ulat na isinumite kay NCRPO chief, P/MGen. Vicente Danao, Jr., nahuli sa Block 165, Lot 23, Road 2, Cadena De Amor, Pembo, Makati City, ang akusadong si Jommel Gajardo, alyas Jojo, 20 anyos, kabilang sa 2nd Quarter Most Wanted Person ng NCRPO at Top 7 MWP ng Makati City Police Station dakong 1:30 am.
Hinuli si Gajardo sa bisa ng warrant of arrest ni Judge Robert Victor C. Marcon, Family Court, Branch 3, ng Makati City sa kasong rape, walang inirekomendang piyansa.
Unang nahuli sa harapan ng Pembo Elementary School, Jasmin St., Pembo, Makati City dakong 12:45 pm ang akusado rin sa kasong rape, ‘no-bail recommended’ na si Ace Jury Dg Gajardo, alyas Taxi, 21, grab driver, ng Block 251,Lot 15,Hanzel St., Pembo, Makati City.
Si Gajardo ay sinabing Top 8 MWP ng Makati Police Station, may warrant of arrest sa sala rin ni Judge Marcon.
Maagang nahuli ang akusadong si Aurelio Ramos, Jr., director for online services ng Zynergia Health and Wellness Corp., 53, residente sa Tenement Bldg., Punta, Sta. Ana, Maynila.
Nasakote sa parking area ng Zynergia Health and Wellness Corp., sa West Ave., Brgy. Philam, Quezon City dakong 11:30 am.
Akusado si Ramos sa kidnapping at serious illegal detention na wala rin inirekomendang piyansa si Judge Rosana Fe Romero-Maglaya, Presiding Judge, RTC, NCJR Branch 88, Quezon City.
“The NCRPO’s Special Operations Group has consistently shown their determination to arrest criminals who have been wanted by the police for many years. Finally, the victims and their families will receive justice,” papuri ni Danao sa mga tauhan. (JAJA GARCIA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …