Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Karahasan vs journos mas matindi ngayong panahon ng pandemya (Sa World Press Freedom Day)

DAHIL ang maraming mamamayan ngayon ay abala sa paghahanap ng alternatibong pagkakakitaan habang nasa loob ng bahay, hindi napapansin ang mga karahasan at kapabayaang nararanasan ng mga mamamahayag sa panahon ng pandemya.

Kung tutuusin, ang mga tagapaghatid ng balita ay kabilang din sa frontliners, kaya ang klasipikasyon ay authorized person/s outside residence (APOR).

O sa pinakanaiintindihang termino ngayong pandemya — kasama sa ‘essentials’ ang gawain  o ang output ng mga mamamahayag upang mai-update ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa labas lalo na’t nasa loob lang sila ng bahay.

Iniisip siguro ng marami na ang mga nasa media ay kayang protektahan ng media ID sa panahon na nakokompromiso ang kanilang kaligtasan at kalusugan.

Pero sa maraming karanasan, hindi po nasasagip ang buhay ng mga taga-media kapag dinadahas ng mga nasa kapangyarihan. Lalo na kung gumagamit ng dahas at pinatatahimik ng bala.

(At kahit sa pagpapagamot, hindi po nagagamit ng media people ang kanilang ID para maging priority sila.)

Kung ganito ang kondisyon ng pamamahayag sa isang bansa o sa isang komunidad, ang masusulingan lang ay ang mga tagapagpatupad ng batas.

Kailangan mapanagot ang maysala, hindi lang siguro sa media, kundi maging sa pangkaraniwang mamamayan. Kapag hindi kasi napanagot ang kriminal sa ilalim ng batas, paulit-ulit na nangyayari ang pandarahas at pamamaslang — ‘yan na ‘yung tinatawag na ‘culture of impunity.’

Ibig sabihin, tinatanggap na ng isip at kultura ng isang tao o ng isang komunidad o ng isang bansa, na kapag naninindigan para sa tama o mahigpit na pumupuna sa mga maling gawain ng mga nasa kapangyarihan, inaasahan na magwawakas ang kanyang buhay sa kamay ng mga tiwali at mararahas na tao. 

Nasaan ang ‘safety’ ng mga taga-media kung gayon?!

Paanong magiging ‘safety’ kung mismong miyembro ng  government media entity ay dinarahas ng pulis dahil lamang sa napatid na facemask?

Imbes bigyan ng facemask, dinahas, dinampot at ikinulong.  Wala na ngang proteksiyon na facemask, inihalubilo pa sa loob ng kulungan.

Nagsalita ba ang PNP sa pangyayaring ito? Hindi. Sa halip, sinisi ang mamamahayag dahil hindi matibay ang facemask.

Tsk tsk  tsk…

Ngayong panahon ng pandemya, hindi iilang media workers ang tinamaan ng CoVid-19. May mga datos na ilan sa tanggapan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang tinamaan ganoon din ang kanilang hepe na si Secretary Martin Andanar.

Magaling na si Sec. Andanar, kinumusta na kaya niya ang pangkaraniwang empleyado sa ilalim ng kanyang mga tanggapan na tinamaan ng CoVid-19?

Sana ngayong World Press Freedom day, ay maalala niyang kumustahin ang kanyang mga hepe, kawani, at iba pang empleyado.

Mukhang naka-recover ka na Secretary Andanar, magpaandar ka naman, ‘este magparamdam ka naman sa mga tao mo.

Pasayahin mo naman sila, kahit sa araw na ito.

Gawin mong makabuluhan ang World Press Freedom Day para sa kanila.

 

36 ILLEGAL
ALIEN WORKERS
PINAKAWALAN
‘AGAD-AGAD’ NG BI!?
(ATTN: SEN. RISA
HONTIVEROS)

GUSTO kong mai-share kay Sen. Risa Hontiveros ang isang malaking accomplishment ng Bureau of Immigration (BI) nitong nakaraang Linggo.

Ito ay para alamin niya kung nagkaroon ng hokus-pokus ang kasong ito.

Noong nakaraang Linggo ay ating iniulat ang matagumpay na pagkakasakote ng BI Intelligence Division laban sa isang illegal online gaming operations diyan sa Double Dragon Tower 3 sa Pasay City.

Umabot sa 36 foreigners ang nasakote na kinabibilangan ng 32 Koreano, 2 Chinese nationals at 2 Indonesians.

Ayon sa impormasyon na ating natanggap, hinuli ang mga nabanggit dahil bukod sa walang working permits ang mga nagtatrabaho ay wala rin silang kaukulang lisensiya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para makapag-operate.

Tayo man ay kombinsido na hindi basta-basta puwedeng kantiin ang isang online gaming sa panahon ngayon dahil protektado ito ng opisina ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo at makailang beses na rin nakoryente ang mga operatiba ng BI sa mga hinuli nilang online gaming companies noon.

Ilang araw matapos ma-detain sa Warden’s Facility Unit sa Bicutan ang mga banyaga at habang hinihintay ang resulta ng kanilang CoVid-19 test ay nakatanggap tayo ng balita na bigla daw ‘napiyansahan’ ang lahat?| Ibig sabihin ‘yung 36 foreigners mula sa iba’t ib ang nasyon.

Wattafak?!

Weh? Hindi nga?!

Anyare?!

Akala ko ba ang praise ‘este’ press release ng BI ay illegal online gaming at illegal workers ang kanilang nasakote?

Bigla yatang naging ‘legal’ and mga ilegal?

Ang alam natin, bago pa man mag-isyu ng ‘mission orange’ ‘este’ mission order si Commissioner Jaime Morente ay kompleto at detalyado ang case build-up sa mga ganitong trabaho lalo’t iniiwasan nila ang  maindulto sila ni Madam ADD!

Tsk tsk tsk…

Magkano ‘este’ paano ipapaliwanag ito ng BI lalo ng Legal at ang pumirma ng approval ng bail?

Parang nadale ng ‘it bulaga’ ang BI-Intel sa nangyari.

Ang Legal Division, ‘happy’ naman kaya?

Noong araw, pangkaraniwan na sa kanila ang ganitong diskarte ngunit matapos uminit ang isyu tungkol sa dating dalawang mataas na opisyal ng BI na kasalukuyang naghihimas ng rehas sa Bicutan ay nag-lie-low na ang ilang eksperto sa Immigration law diyan sa 4th floor at idinaan ang kanilang libangan sa pangongolekta ng paintings ni Amorsolo, Joya, Paco Gorospe, Bencab, at iba pa.

Huwaw ha!

‘Napakasimple’ naman ng libangan nila!

Inggit much!

By the way, puwede bang malaman kung sino ang mga call-a-friend na politiko na sinabing pumadrino sa 32 illegal workers?

Ang atin lang, bago pa lang humuhupa ang isyu tungkol sa ginagawang senate investigation on human trafficking ni Senadora Riza Hontiveros, baka ito namang mga ganitong milagro ang mapagtuunan ng inyong lola.

Tama o mali?!

Sino nga naman ang basta maniniwala na halos lahat ng hinuli ay ganoon lang kabilis mapipiyansahan lalo sa panahon ngayon na halos lahat ay naka-work from home.

Hahahayyy!

Sa mga ibang operatiba, kung ‘di kayo naambunan, better luck next time sabi nga!

Yelo at Vicks lang naman ang gamot sa kol-buks!

Kahit panahon na ng millennials ngayon, uso pa rin kasi ang kasabihang, “Ako ang nagtanim, nagbayo, at nagsaing pero iba ang kumain!”

Ehek!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *