Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Donny at Belle bibida sa He’s Into Her 

MISTULANG aso’t pusang maghaharap ngunit mauuwi sa pag-iibigan sina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa pinakahihintay na serye ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at Star Cinema na He’s Into Her, na magsisimula sa Mayo 30 sa A2Z at Kapamilya Channel.

Hango sa kilalang Precious Pages-LIB na nobela na isinulat ng sikat na Pinoy author na si Maxinejiji, ipinakikita ng He’s Into Her series kung paano ipaglaban ng buong tapang ang pamilya, kaibigan, at pag-ibig.

Ito ang kuwento ng probinsyanang si Maxpein (Belle), na papayag sa pakiusap ng ama na tumira kasama niya sa Manila, bilang pagtanaw ng utang ng loob dahil tinulungan nitong ipagamot ang lola.

Lakas-loob na haharapin ni Maxpein ang bagong buhay sa siyudad, kasama ang pag-aaral sa Benison International School. Susubukan ng baguhang estudyante na makibagay ngunit dahil sa kanyang malakas na dating, makahahanap ito ng katapat sa pagkatao ni Mr. Popular na si Deib Lohr (Donny). Dahil dito, ang tahimik niyang buhay ay biglang gugulo.

Makakasama nina Belle at Donny sa He’s into Her ang ilan pang rising stars ngayon tulad nina Jeremiah Lisbo, Vivoree Esclito, Kaori Oinuma, Rhys Eugenio, Joao Constancia, Criza Taa, Ashley del Mundo, Gello Marquez, at iba pa. Mula sa direksiyon ng bago at batang director na si Chad Vidanes.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …