Community pantry sa Parañaque itinayo ng city hall employees
NAG-AMBAGAN ang nasa 200 empleyado ng Parañaque City Treasurer’s Office sa community pantry ng Paranaque Police na tinawag nilang “free market.”
Kusang loob na nagbigay ng assorted goods ang mga kawani ng Treasurer’s Office ng Parañaque City Hall gaya ng bigas, itlog, at gulay sa “Parañaqueños Free Market-Barangayanihan” sa pangunguna ni Parañaque City police chief Col. Maximo Sebastian, Jr.
Pinangunahan nina Dr. Anthony Pulmano ang pagbibigay ng donasyon.
Isang simpleng seremonya ang isinagawa nina P/Maj. Arlan Perez, P/Maj. Jolly Soriano, P/Lt. Jemma Amindalan, P/MSgt. Jun Evora, pawang station commanders ng Parañaque City Police.
Namigay ng informative leaflets at brochures para sa terrorism, illegal drugs, iba’t ibang uri ng kriminalidad, at anti-violence against women, habang pumipila ang mga tao sa pantry.
Isa si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa mga alkalde na nagpahayag ng suporta sa community pantry na nagsusulputan ngayong panahon ng pandemya.
“We encourage the initiative because it shows camaraderie and we all know the government cannot support the community on its own,” ayon sa alkalde.
(JAJA GARCIA)