Kinalap ni Tracy Cabrera
SULAWESI, INDONESIA — Isang babae ang buung-buong nilamon ng malaking sawa habang nasa kanyang maisan sa Muna Island kalapit ng Sulawesi sa Indonesia nitong nakaraang linggo.
Ayon sa ulat ng The Washington Post mula sa naunang report ng Jakarta Post, kinilala ang ginang na si Wa Tiba. Umalis ng kanyang bahay si Wa noong Huwebes ng gabi para tingnan ang kanyang pananim na mais na may layong halos isang kilometro mula sa kanyang tahanan.
Kinabukasan ay hinanap ang biktima dahil hindi na siya umuwi mula nang pumunta sa kanyang maisan.
Ayon sa kapatid nito, hinanap niya muna si Wa at ang natagpuan lamang niya sa maisan ay bakas ng yapak ng biktima at ang flashlight at itak (machete) na dala nito at suot niyang tsinelas.
Kinabukasan, agad na humingi ng tulong ang kapatid ni Wa sa kanyang mga kapitbahay at lokal na awtoridad kaya ginalugad ng may 100 residente ng Persiapan Lawela ang lugar kung saan nawala si Wa at doon nila natagpuan ang isang sawa na may sukat na 23 talampakan at lomobo ang tiyan sa kabusugan.
Nang patayin nila ang higanteng sawa at biniyak ang tiyan, doon na nila natagpuan ang buong katawan ni Wa.
Pangkaraniwan ang mga sawa, o reticulated python, sa lugar ng biktima ngunit ang tunay na pinangangambahan ni Wa noong siya’y nabubuhay pa ang mga baboy ramo na gumagala sa kanyang maisan at kinakain ang kanyang pananim.
Sinabi ng mga awtroridad, malamang hindi sa loob ng tiyan namatay ang biktima dahil kadalasang tinutuklaw muna ng mga sawa ang kanilang kakainin saka nililingkis hanggang maubusan ng hininga bago ito nilululon nang buo.
Ang pythons ay kinikilalang pinakamahabang ahas sa buong mundo at ang tanging kinakain ay maliliit na hayop. Gayon man, mayroong kahintulad na pangyayari ng nakaraang taon sa baryo ng Salubiro sa Sulawesi rin, na kianin nang buo ang isang magsasaka, ibinalita din ng The Washington Post.
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …