MANILA — Sa kabila ng banta ng kakulangan sa supply ng enerhiya sa bansa, tiniyak sa publiko ng Department of Energy (DoE) na hindi magkakaroon ng mga power outage para sa sa mga electricity consumer sa Luzon grid habang nasa panahon ng tag-init ngayon taon.
Gayon man, inihayag din ng Energy Power Industry Management Bureau (EPIMB) ng DoE, sa inaasahang demand peak na umaabot sa 11,000 megawatt nitong darating na buwan ng Mayo, maaaring hindi mapunuan ang energy supplies dahil sa “sustained community quarantine situation.”
Ayon kay EPIMB director Mario Marasigan, dahil sa nasabing sitwasyon, hindi magkakaroon ng mga power outage sa buwan ng Abril, Mayo at Hunyo.
“Ang challenge po natin ay iyong maintenance and schedule ng power plants,” una niyang tinukoy habang ipinapaliwanag ang kasalukuyang kalagayan ng enerhiya sa ilang mambabatas sa isinagawang hearing kamakailan sa Senado.
Nitong nakaraang linggo, pinunto ng kagawaran ng enerhiya na may posibilidad ng paglabas ng yellow alert mula sa kalagitnaan ng Abril hanggang sa unang bahagi ng Mayo at mangangahulugan ito ng pagnipis ng mga reserba kahit hindi inaasahan ang mga power outage.
Nanawagan din ang ahensiya sa seven generation company na tumigil ang operasyon simula noong Marso na ihayag kung kailan magbubuks muli ang kanilang mga planta.
Tinukoy ang nabanggit na mga kompanya na Asia Pacific Energy Corporation, Caliraya-Botocan-Kalayaan Power Company Ltd., Luzon Hydro Corporation, First Gas Power Corporation, GNPower Mariveles Center Ltd. Co., Petron Corporation at Sem Calaca Power Corporation. (TRACY CABRERA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …