Saturday , November 16 2024

6 kelot arestado sa labanang gagamboy

CAMP GEN FLORENDO, LA UNION — Libangan, ‘ika nga, ng mga kabataan ang pakikipaglaban ng gagamba dahil tulad ng mga kulisap na kung tawagin ay cricket at gayon din ang mga panabong na manok at mga isdang tinaguraing ‘fighting fish’ ang mga gagamba ay mababangis na mandirigma at hindi basta nagpapatalo sa kanilang kalaban.
 
Kaya nga naging uso ito bilang pampalipas ng oras at pang-aliw sa kalungkutan ang labanan ng mga gagamba. Dangan nga lang ay ginamit ito bilang isang bisyo sanhi ng malikot na kaisipan ng ilan sa atin na ginawa itong sugal imbes inosenteng libangan.
 
Tulad nga ng pagkakaaresto sa anim na lalaking naaktohan ng mga awtoridad na nagpupustahan sa labanan ng gagamba sa Barangay Buse-Busel sa Luna, La Union.
 
Ang mga inaresto ay kinilala ng pulisya na sina Lolito Jiron, 32 anyos; Aurelio Noval, Jr., , 37; Ariel Noval, 29; Rommel Jiron, 39, pawang mga taga-Barangay Cabuaan sa bayan ng Balaoan; Romeo Santiago, 22 anyos, binata, ng Bgy. Pantar, Balaoan; at Raymund Lopez, 25 anyos, may asawa, ng Brgy. Suyo sa Luna.
 
Isang laro man na maituturing ang labanan ng gagamba, dinakip ang mga suspek dahil sa kanilang pagpupustahan at ngayon ay nadawit sila sa anti-illegal gambling operation na ikinasa ng lokal na pulisya sa kanilang komunidad.
 
Nakompiska sa anim ang tatlong improvised na elongated multi-small box na naglalaman ng 19 gagamba bukod sa isang improvised na fighting table para sa gagamba, improvised na mga pitsang panaya at mga perang pantaya na umaabot sa P40.
 
Ang mga suspek at ang mga nakompiskang ebidensiya ay nasa kustodiya na ng Luna Police habang inihahandang ang kaso na paglabag sa Municipal Ordinance No. 83-2018 na nagbabawal sa kahit anong uri ng sugal. (TRACY CABRERA)
 

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *