Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sean ratsada sa movie, may sarili pang clothing line

SA panahon ng pandemya, sari-saring klase ng pag-aalala ang dinaranas ng bawat nilalang.

Ang mga nasa entertainment industry nga ang sinasabing mas malupit na tinamaan dahil sa mga trabahong nawala sa kanila.

Pero may mga taong sadyang palaban sa buhay.

Sa itinatag niyang mga grupo na Belladonas at Clique V, masuwerte ang manager ng 3:16 Media Networks sa mga alaga nito.

Ilan ang nagkaroon ng mga proyekto. Nailunsad na. At may mga naghihintay na lang na mahusgahan ng mga manonood.

At ang isa sa mga alaga ng 3:16 na nagbida na sa Anak ng Macho Dancer na si Sean de Guzman ay nakakita pa rin ng pagkakataon para pagyamanin hindi lang ang isip niya kundi ang mga taong pwede pa rin niyang matulungan sa kanyang sininulan.

Isinilang ang Innocencio Apparel. Sa gitna ng mga pagti-Tiktok ng mga kasama sa Clique V gaya ni Marco Gomez at ng Belladonna na si Cloe, umaandar naman pala ang mga plano sa isip nito.

“Actually kinuha ko po ang Innocencio sa kauna-unahan kong pinagbidahang pelikula. Sa ‘Anak ng Macho Dancer,’ pangalan ko po roon ay si Inno.

“At sinasabi po nila, ito rin po ‘yung nakita nila sa akin noong nag-audition ako para sa anak ng macho dancer, ;yung Innocence look. 

“Sabi rin po sa mga Spanish Baby Names, ang meaning ng Innocencio ay: Innocent. Well obviously po sa pangalan pa lang ng clothing line ko nalalaman mo na agad kung ano po ang ibig sabihin nito, but that’s the real story of Innocencio Clothing brand and kung saan ko po ito nakuha.

“Ako lang po rin ang nag-iisip ng mga design and then ipinagagawa ko po sa friend ko ‘yung lay-out pero sa ngayon po wala pa akong official designer.”

Marami pang sari-saring disenyo ang umiikot sa utak ni Sean ngayon.

Lalo pa’t bumubuhos ang biyaya sa kanya, career-wise. Rumatsada na siya sa isa pang Joel Lamangan project, sa Ang Huling Birheng Beki sa Balat ng Lupa.

At nagsimula na rin ang pagpa-plano ng Viva sa kanyang karera bilang aktor. Dahil dalawang matitinding proyekto ang nasa planning stage na.

Sa Nerissa ni Law Fajardo. At sa Taya ni Roman Perez, Jr.

Iingay na namang muli ang pinag-usapan sa Anak ng Macho Dancer na si Inno.

Matatandaan naman siya sa kanyang Innocencio.

Magtataka pa ba?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …