Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe

Lovi Poe bibida nga ba sa Doctor Foster? 

TRULILI kaya ang narinig naming ‘done deal’ na ang paglipat ni Lovi Poe sa  Kapamilya Network? Tapos na ang kontrata ng aktres sa GMA 7 at hindi na siya nag-renew pa.

Pero ang kuwento naman sa kampo ng Kapuso Network ay plano siyang i-renew lalo’t umeere ang seryeng Owe My Love na kasisimula lang noong Pebrero at magtatapos ng Hulyo dahil aabutin ito ng 42 episodes.

Hindi lang namin alam kung tinapos na ni Lovi ang lahat ng eksena niya dahil kasalukuyan siyang nasa Amerika ngayon para dalawin ang kanyang boyfriend na si Montgomery Blencowe.

Matunog ang pangalan ni Lovi na siya ang gaganap sa remake ng Doctor Foster, ang sikat na BBC drama series na umere noong 2015 hanggang 2017 sa UK. At ginawa ring KDrama na may titulong The World of the Married na umere noong Marso-Mayo 2020.

Maraming naglabasang si Lovi ang bida sa big budgeted drama series ng Kapamilya Network handog ng Dreamscape Entertainment.

Katunayan, may post sa Instagram account ng Dreamscape na mala- poster, ang Philippines, who will be the next? At katabi ang mga larawan ng mga bidang sina Jodie Comer as Kate Parks (UK) at Han So-Hee bilang si Yeo Da-Kyung (South Korea).

Ang caption ay, ”She is the Philippines’ Kate Parks/Yeo Da-Kyung. Guess who?

Anyway, bigla naming naalala na dekada na ang inabot ng usapan namin ng TV executive na interesado siya kay Lovi na sana makuha ng ABS-CBN pero malabo ng mga panahong iyon dahil super loyal ang aktres sa GMA 7.

Tinanong namin kung bakit sa rami ng aktres sa GMA ay bakit si Lovi ang gusto, ”wala kasi tayong morenang aktres sa ABS, maganda ang kulay niya,” sabi ng TV executive.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …